Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Award winning hollywood film, Pinoy ang producer

SAAN man mapunta ang Pinoy, tiyak na umaangat. Tulad nitong negosyante at nagtayo ng Wealth Financial Life Insurance Services (WFL) na si Arsy Grindulo Jr., na baguhan sa pagpo-produce ng Hollywood movie, pero agad nakakuha ng mga papuri.

Si Arsy ay isang self-made Fil-Am high profile business­man mula California na mula sa kanyang matagumpay na insurance ay naitayo naman ang WFL Pro­ductions.

Ka­sunod nito ay ang pagpo-produce ng pelikulang Ascension, isang sci-fi horror-suspense-thriller movie na idinirehe ni Ross Wachsman, gradweyt ng Yale University at USC School of Cinematic Arts at recipient ng Annenberg Fellowship awards.

Ang Ascension ay co-executive produce ni Max Borenstein, creator, writer at producer ng Minority Report ni Steven Spielberg, isang series sa Fox. Siya rin ang writer ng worldwide box office hit na Godzilla, Kong: Skull Island at ng Godzilla 2.

Sa galing ng mga kasama ni Arsy sa pelikulang Ascension nakakuha ito ng 12 award at recognition mula sa iba’t ibang film festival. Kasama rin dito ang pagkakapanalo nito bilang Best Sci-Fi Thriller Feature at Best Cinematography mula sa Hollywood HorrorFest.

Pinag­bibidahan ni Ana Mulvoy Ten ang Ascension na nakilala sa House of Anubis bilang si Amber Millington.

At dahil sa tagumpay ng Ascension, sinundan agad nila ito ng A Mermaid for Christmas, na co-producer ni Arsy si Michael Caruso, isang actor, director, at writer na nakilala sa mga pelikulang DeVanity, Winterthorne, at Ladies of the Lake: Return to Avalon.

Sa A Mermaid for Christmas, pinagsama rito ang classic Christmas theme na may escapist feel-good fantasy na tamang-tama sa pamilya  ngayong Holiday season.

Ire-release ang A Mermaid for Christmas this holiday season pero nakakuha na agad ito ng interes mula sa ilang major film distributors.  Marami ring exposure ito sa social media, internet, cast interviews (Emmys Awards night), at film magazines.

Ayon kay Arsy, dinala niya ang mga pelikulang Ascension at A Mermaid for Christmas sa ‘Pinas para ibahagi sa mga Pinoy ang napakagandang pelikula. Umaasa siyang tatangkilikin ito ng mga Pinoy.

Ang local theatrical release ng mga pelikulang ito ay pamamahalaan naman ni Lea Javier, beterano at iginagalang sa mainstream booking circuit para sa mga independently produced films sa pamamahala na rin ni Dominic Du, top honcho ng marketing at booking industry sa bansa.

Samantala, umaasa si Arsy na magkakaroon din siya ng pagkakataong makapag-produce locally na pagbibidahan ng mga local artist natin.

Aniya, “my future vision in the film business is to make a movie with global multi-ethnic star studded film cast, with of course, special participation of Filipino actors and actress.

“It is a romantic genre filled with laughter, mutual respect and human dignity,” anang prodyuser na umaasang magma-materialize ang proyektong ito kapag nag-hit ang dalawang pelikulang dinala niya rito sa ating bansa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …