Thursday , December 19 2024

Sarah Geronimo, nakabi-believe ang maka-diyos na misyon sa buhay!

Pure-hearted raw ang karakter na ginampanan ni Sarah Geronimo na si Jasmine sa peli­kulang Unforgettable ng Viva Films. This is according to directors Jun Lana and Perci Intalan.

In a matter of speaking, parang si Sarah rin daw ito na napatunayan nila sa kanilang matagal na pagsasama sa shooting ng Unforgetta-ble.

“Mas pure-hearted sa akin si Jasmine,” Sarah candidly admitted when she learned of the two directors tribute to her good-naturedness.

“Ako po kasi minsan, nadadala rin ng mga negativity sa buhay pero at the end of the day, babalik at babalik tayo sa core natin, ‘yung kung paano ka pinalaki…

“How you were wonderfully and fearfully made by God, sabi nga sa Bible (Psalm 139:14) po.

“Kailangan po, bumalik at bumalik ka roon so actually, medyo nakare-relate po ako kay Jasmine,” further added by the highly religious actress.

Pero masarap bang maging Sarah Geronimo?

“Masarap ba na maging Sarah Geronimo? Ahh… balanse po… balanse po.

“Sa lahat naman po ng aspekto ng buhay, may pros and cons, ‘di ba po? But you… parang… you choose to see the good in everything that you do.

“Kasi kung magpo-focus ka sa masasama, sa masasakit, mababaliw ka, ‘di ba po?

“Happiness is a choice and ‘yung gratitude, being content is a choice,” dagdag ni Sarah.

Sa ngayon, hindi naman daw parang dumating siya sa point na hindi importante ‘yung kikita ba ‘yung kanyang pelikula or kikita ‘yung album niya or relevant pa raw ba siya.

Natanggap na raw niya na sa phase na ito ng kanyang buhay, ang objective lang daw niya ay makapagbigay ng inspirasyon sa mga tao through her body of work.

Na kung anuman ‘yung ibinigay sa kanya ni Lord, magamit raw niya na platform para ipakilala si Lord. Hindi raw tayo perpekto pero laging may effort na gamitin itong ibinigay sa atin para sa Diyos.

“Hindi naman tayo katulad ng ibang artists na talagang masasabi mo na who are excellent at what they do, pero as long as may mga tao na naniniwala sa ‘yo, binibigyan ka ng trabaho, patuloy na napapangiti upon seeing your face, makita ka lang, marinig ka lang magsalita…

“Marinig ka lang kumanta, regardless kung nasa tono ka ba or hindi, napakalaking bagay po nu’n na talagang ako ay nagugulat din na ‘Bakit Lord, bakit Lord?’

“Mapapaisip ka na how blessed I am, how blessed each one of us na kahit anong plataporma ang ibigay ni Lord, gamitin natin.”

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *