Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Male genital painting ni Goma, P196K ang halaga

TUMATAGINTING na P196,000s ang presyo ng isang kontrobersial na painting na ginawa ni Mayor Richard Gomez na isinali sa exhibit ng Manila Art Fair sa BGC. Iyon ay painting ng isang dilaw na male genital.

Walang nagsabi kung nabili ang painting o hindi. Nauna na iyang inilabas sa kanyang one man exhibit noon sa isang gallery sa Antipolo. Pero talaga bang seryoso si Goma na iyon ay ipagbili?

Naniniwala kaming walang ibang dahilan kundi katuwaan lamang nang ipinta iyan ni Goma. Noon naman kasing una, nagpipinta siya bilang expression lamang niya. Hindi niya inisip na ibenta ang kanyang mga obra. Naisip lamang niyang magbenta nang may magsabi sa kanyang subukan niyang ibenta ang mga iyon, dahil maraming naghahanap ng mga kagaya ng obra niya. Ang idea pa, ang mapagbibilhan ng paintings ay makatutulong sa pagtatayo ng binabalak niyang museum at center of arts and culture sa Ormoc. Eh alam naman ninyo si Goma ngayon, basta sinabing pakikinabangan ng Ormoc, sige agad iyan.

Dalawang bagay kung bakit napakataas ng presyo ni Goma sa obra niyang iyon. Una, isang paraan iyon para sabihing ayaw niya iyong ibenta. Kasi nga siguro nakatuwaan lang niya iyon at gusto niyang itago. Pero kung may bibili nga ba naman eh, bakit ang hindi, tutal makagagawa naman siya ng ibang ganoon kung gusto niya.

May mga namimintas, pero alam naman ninyo ang art, walang masasabing pangit na obra. Dahil ang kagandahan ng isang obra ay nasa paningin ng mga taong nakagugusto niyo . Hindi itinuring na artist ang bantog na pintor na si Pablo Picasso noong panahong nabubuhay pa siya. Pero noong mawala siya, nagkagulo ang mga tao at hinanap ang kanyang mga painting, maging ang mga hindi tapos, at tinawag siyang isang henyo. Ang mga painting niya na tinatanggihang bilhin sa mga bangketa sa Italya noong una ay kabilang sa pinakamahal na obra sa buong mundo ngayon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …