Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Magandang aktres, mahilig magnenok ng toiletries

MAY pagka-klepto pala ang magandang aktres na ito na ngayo’y nasa ibang bansa na.

Ang trip lang naman niya’y pag-interesan ang mga mamahaling toiletries nang minsang mag-pictorial sa mismong studio ng isang kilalang photographer.

Para sa isang project ‘yon na tinipon ang lahat ng mga bituin for a studio pictorial. Bale ang studio ng photographer ay nagsisilbi na ring tirahan nito na namumutiktik sa mga magagarang kasangkapan.

Dahil medyo matagal ang pictorial session kung kaya’t maya-maya’y nagsisipaggamit ng CR ang mga artistang bahagi ng project. Madalas mag-CR ang aktres bitbit ang kanyang bag.

Unti-unting napapansin ng mga co-star niya na unti-unting nababawasan ang mga naka-display na hand lotion, sanitizer, cologne at iba pang mga naka-boteng bagay sa loob ng CR.

Naloka na lang ang lahat nang mapansing may mga likidong tumutulo mula sa bag ng aktres. Isinilid pala niya ang mga nawawalang bote sa bag niya!

Da who ang maganda pa namang aktres na mahilig magnenok ng mga toiletries? Itago na lang natin siya sa alyas Margie Tunggali.

 (Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …