Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Japanese beauty queen, nasarapan sa halik ni JC Santos

SOBRANG nae-enjoy ni 2014 Miss Universe Japan first runner-up Hiro Nishiuchi ang Pilipinas kaya naman pabalik-balik siya rito hindi lamang dahil na-appoint siya bilang Philippine Tourism Fun Ambassador.

Katunayan, sa huling pagbisita niya sa ‘Pinas, muli siyang nagtungo sa Boracay at nakita niya ang malaking pagbabago nito kaya naman dadalhin niya roon ang kanyang pamilya para ipakita ang ganda ng isla.

Gagawa nga siya ng vlog ukol sa Bora at iba pang magagandang tanawin sa Pilipinas gayundin ang mga iba’t ibang masasarap na pagkain dito sa Pilipinas. Bahagi rin kasi ng adbokasiya niya na ipamalita ang kagandahan ng Pilipinas.

“They didn’t know about the Filipino food. And I have to shoot movie because it’s easy for them to understand and I want to study,” sambit ni Hiro.

Bukod sa pagiging beauty queen at modelo, aktres din si Hiro. Naibalita nitong katatapos lang niyang gawin ang Kintsugi (May Lamat) kapareha si JC Santos.

Sa pagkukuwento ng Japanese beauty queen, humanga siya sa galing ni JC lalo na’t mabilis din itong natutong mag-Hapon. Naikuwento niyang may intimate scene sila ng actor na hubo’t hubad sila sa pelikula. Ito ‘yung tagpong may kissing scene sila ni JC.

Hindi niya napansin kung gaano kaganda ang katawan ni JC dahil pagharap niya sa actor, aktong naghalikan agad sila. Kaya naman tinanong na lamang namin kung kumusta ang halik ng actor.

Aniya, “He’s a good kisser,” na tila kinikilig-kilig pa dahil matagal-tagal din ang naturang halikang iyon.

Tapos na ang Kintsugi last April pa pero may communication pa rin sila ni JC.

Sinabi pa ni Hiro na gusto niyang maging aktres dito sa Pilipinas na puwedeng-puwede naman dahil maganda at marunong naman siyang umarte. Kailangan lang niyang matutong mag-Tagalog para mag-swak siya sa mga pelikula at serye natin.

Samantala, bahagi rin si Hiro ng Revive Japan na gusto nilang maumpisahan din sa Pilipinas, ang Revive Philippines na magdadala ng mga talent sa Japan. Gagamitin ang mga talent para sap ag-model ng magazines, commercial at iba pa.

Ikinuwento pa ni Hiro na makikipag-collaborate rin siya sa mga young designer natin at gusto niyang makagawa sila ng mga gown at lingerie.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …