Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Imelda Papin at LA Santos, may pasabog sa Phil. Arena sa Oct. 26

KAABANG-ABANG ang malaking concert ng nag-iisang Jukebox Queen na si Imelda Papin na pinamagatang Imelda Papin Queen @ 45. Ito’y gaganapin sa October 26, 2019 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ito’y bilang pasasalamat ni Imelda sa lahat ng taong nakatulong sa kanya sa loob ng 45 years sa showbiz at public service. Sa kanyang presscon sa Mesa Restaurant, Tomas Morato, naging sentimental at napaiyak si Ms. Imelda.

Saad niya, “Gusto ko lang sabihin, ang unang lalabas sa bibig ko, Thank You Lord, salamat sa Panginoon sa blessings na ibinibigay niya sa akin. Dahil ‘di lamang sa pagkanta ang nangyari sa buhay ko. Sa pagtulong sa tao, sa politics – as public servant, as businesswoman. Halos lahat na ibinigay sa akin ng Panginoon, pati sa pag-join sa Miss Republic of the Philippines before representing Camarines Sur, napasama ako kahit hindi naman ako ganyan kaganda,” aniya na nabanggit pang naging host at nagkaroon siya ng TV show sa US at naging matagumpay ang mga concert niya roon, bukod pa sa tagumpay na tinamasa niya sa bansa.

Sa ngayon ay 80% ng tickets ang sold-out, patunay na ganoon pa rin kainit si Imelda sa kanyang fans.

Kabilang sa kanyang guests dito sina Andrew E, April Boy Regino, Claire dela Fuente, Darius Razon, Eva Eugenio, Jovit Baldivino, Marco Sison, Pilita Corrales, Sonny Parsons with Hagibis and Victor Wood. Kasama rin dito ang daughter niyang si Maria France (Maffi) with her three kids Keif, Zach and Xavier, sisters Gloria at Aileen, Garry Cruz at ang Millenial Artist na si LA Santos.

Sa panig ni LA, nang inusisa ay sinabi niyang maraming dapat abangan dito. “Yes po, maraming dapat abangan po rito, una ay iyong kantang Isang Linggong Pag-Ibig, abangan n’yo po iyan guys dahil sobrang pasabog iyon sa show.”

May duet ba sila ni Ms. Imelda rito? “Secret po iyan, abangan na lang kung magdu-duet kami or hindi and gaya nang sinabi ni Tita Imelda, be there earlier dahil maraming tao at baka traffic,” nakangiting saad ni LA.

Produced by DreamWings Production & Papin Entertainment Productions, for tickets please log on to smtickets.com or go to any SM Box Office Ticket Booth. Part of the proceeds will benefit the humanitarian projects of the IAP Foundation.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …