Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aida Patana, handa na para sa Mrs. Philippines World 2019

HANDA na si Ms. Aida Patana sa kanyang paglahok sa Mrs. Philippines World na gaganapin sa October 26 sa Paris, France.

Sambit ni Ms. Aida, “Reading-ready na, laban kung laban para sa Filipinas.”

Si Ms. Aida ay kilalang celebrity sa Cebu dahil sa kanyang MTalents Events and Promotions. Nagdadala siya ng mga sikat na artista para sa kanyang mga event gaya nina Alden Richards, Daniel Matsunga, Ejay Falcon at iba pa. Plus, mayroon siyang show sa Cebu sa 94.7 Energy FM na The Aida Patana Show-Showbiz Chika tuwing Saturday, 11 am to 12 noon.

Siya ay magtutungo sa Europe this coming October 20 at nabanggit niya ang ginawang paghahanda para rito. “My preparation for Mrs. Philippines World is nag-aral akong mabuti about possible questions at nag-training ako sa KF Cebu headed by Jonas Borces, ang gown ko’y designed by Cary Santiago at sa regional costume ko ay si Malayka Llamas ang nag-design. If palarin manalo sa tulong ng Panginoon, I’m representing Mrs. World this coming December 6, sa Las Vegas,” aniya.

Bakit sa France ito gaganapin? “Sa France po ginawa dahil ‘yong national director sa Mrs. Philippines World ay doon nakatira, he is based na roon,” sambit ng Cebuana beauty.

Ang ad­bo­kasiya niya ay ipaglaban ang kara­pa­tan ng single parents. Gusto niyang magsilbing boses ng mga kababaihang nag-iisang nagtataguyod sa kanilang pamilya. “My whole platform is empowering women to overcome stereotypes and break barriers. How can I tell other women to be fearless and true to themselves if I can’t do the same? I am a single parent and I wanna show them, we too can.”

Ano ang reaction niya sa natatangap na suporta, lalo na sa Cebu? “Super-happy ako sa support ng mga taga-Cebu at Manila, and sa lahat, grabe! I’m shocked, I’m happy, always ako leading sa online voting at likes. Super excited na ako at may kaba, but si Lord na ang bahala,” masayang saad ni Ms. Aida.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …