Thursday , December 19 2024

John Lloyd, agaw-pansin sa trailer ng Culion

KUNG susamahin, may puntong ipinaglalaban si John Lloyd Cruz hinggil sa pagkaka-hype ng kanyang cameo appearance sa pelikulang Culion na umaasang mapabibilang sa natitirang apat na MMMF entries na iaanunsiyo sa October 16.

Makaagaw-pansin kasi ang bandang dulo ng trailer nito na mabagal na iniri-reveal ang lalaking nagtanggal ng sombrero only to expose JLC’s face.

Marami siyempre ang natuwa nang makita ang aktor na tinatayang nagbabalik uli sa showbiz pagkatapos ng ilang taon ding pamamahinga.

Pero ang exposure na ‘yon ni JLC sa trailer ay hindi niya mismo nagustuhan. Misleading daw ‘yon sa publiko na maaaring mag-akalang pelikula niya ito na makikita siya mula umpisa hanggang katapusan.

In short, isang paraan daw ‘yon ng pag-shortchange sa mga tatangkilik ng pelikula na lalabas na disappointed lang dahil asang-asa that Culion is his comeback movie.

Bagama’t may katwiran ang tinuran ni JLC, isaalang-alang din sana niya ang punto de vista ng produksiyon particularly the producer o director na kumuha ng kanyang serbisyo.

Siguro naman na nasa production stage pa lang ang pelikula’y iniisip na ng producer na malaking bentahe ang exposure ni JLC kahit sa trailer pa lang nito.

Aware rin tiyak ang aktor na ‘yun ang gagawing publicity slant para maka-attract ng mga manonood once ipalabas ang pelikula.

In the first place, sino ba ang hindi nakami-miss kay JLC na masilayang muli sa wide screen?

Pero ngayong nilinaw na niya mismo ang kanyang partisipasyon sa Culion, dahilan ito para hindi mag-expect ang kanyang fans.

Still, ang fan’s mentality is not focused on seeing an idol in a full-length movie all the time. Sapat na sa isang tipikal na tagahanga na makitang naroon ang kanyang idolo kesehoda kung anupaman ang role nito.

‘Yun nga lang, JLC’s appearance is not likely to merit a Best Actor award kahit sabihin pang isa siya sa mga nangungunang aktor sa bansa. Ito ang frustrating part dahil parang ipinauubaya ni JLC ang kanyang tropeo sa ibang aktor.

All told, huwag nang sabihin ni JLC na “inutakan” siya ng produksiyon. Call ‘yon ng producer dahil binayaran naman ang kanyang serbisyo.

The least that JLC can bargain for with the producer ay huwag nang i-promote pa ang Culion dahil after all, it’s not his movie.

For now, we have yet to see the poster layout. May “special participation” bang nakadikit ‘yon sa pangalan ni John Lloyd Cruz?

O, deadma na lang din?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *