AMINADO si Direk Perci Intalan na nakaramdam na siya ng takot sa simula pa lamang ng paggawa nila ni Direk Jun Lana ng Unforgettable movie ni Sarah Geronimo under Viva Films at Idea First dahil pareho silang direktor.
“Pero what was good was from the start hinati na naming ‘yung roles. Story telling ang binabantayan ni Jun ako coverage (tumitingin ng location, nagma-mount ng scene) pero ultimately tingnan niya dahil kailangan tumatawid ang kuwento at emotions.
“At maganda na sa umpisa pa lang nalagyan na namin ng ganoon para hindi kami nagka-clash. Kasi puwedeng, ‘oy ikaw ang magdirehe nito, ako itom tapos magdirehe, edit naman, hindi magkakilala,” paliwanag ni Direk Perci.
Tanggap ni Direk Jun na advantage ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Direk Perci dahil 24/7 napag-uusapan nila ang pelikula.
“Parang walang break, walang pahinga. Kahit hindi kami nagsu-shoot, we’re still talking about the film. Kahit kasama namin ang mga anak naming, ‘yun pa rin ang pinag-uusapan naming,” sambit ni Direk Jun.
“Bigla na lang ‘oy ‘yung eksenang ganito, balik na naman kami (pag-uusap) roon sa movie,” susog pa ni Direk Perci.
“Nakatulong din siya sa project kasi talagang nakatutok kami,” sambit pa ni Direk Jun at sinabing mayroon din silang mga naging discussion na mas nakatulong pa para mas lumabas ang mga idea na nag-benefit ang project. “Pero hindi naman naging dahilan ‘yun para magkahiwalay kami, ha ha ha.”
Ang Unforgettable ay two years ago pa na ginagawa ng dalawang direktor. “Nag-pitch kami ng project kay Sarah mga tatlo iyon. Ito ‘yung we we’re hoping na pipiliin niya kasi rito talaga kami excited din. At ito nga ang pinili niya. And then from there, when we start developing the script, involve na siya especially the character. Mas naging complex ang character, naging mas interesting ‘yung buong kuwento, script kasi involve na siya, ganoon siya ka-committed,” ani Direk Jun.
“Hindi siya ginagawa rito, walang mainstream film na nag-dare na walang leading man, siya ang at aso, tapos hindi pa siya love story, journey film pa siya. Sabi nga namin kanina, ang maganda kay Sarah ginagamit niya ang star power niya para gumawa ng project na bago. So at least, makare-relate siya kasi sikat siya, kilala siya, pero ‘yung pelikula itself, bago sa mata. Sana ‘yun ang ma-appreciate ng tao,” paliwanag naman ni Direk Perci.
Sinabi pa ni Direk Jun na, “we make sure that this is entertaining because we want to attract the entire family to watch this film. This is adventure film but at the same time it has a lot of heart. In the end the movie is about kindness. It teaches kindness, it’s a virtue na gusto nating matutuhan ng mga anak natin, tayo mismo ito ‘yung klase ng film na gusto nating ikalat sa panahong ito na to be kind to one another.”
All praise naman kapwa sina Direk Jun at Direk Perci kay Sarah. Ani Direk Jun, “Napaka-professional, napakagaling. Nasa liga siya nina Tito Eddie (Garcia), Ate Guy (Nora Aunor), all these great actors. She comes to the set prepared, she knows her line, she’s fully committed and she goes the extra mile para mapaganda itong pelikulang ito.”
Ang Unforgettable ay mapapanood na sa Oktubre 23.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio