Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chin Soriano, inspirado sa pelikulang Tickled pink

MAGANDANG break para sa newbie actress na si Chin Soriano ang pelikulang Tickled Pink na nagkaroon ng premiere night kasabay ng Bata Bata Bakit Ka Ginawa sa Cinematheque, last Sept. 20. Kapwa pinamahalaan ito ni Direk Romm Burlat. Kaya naman inspirado siya lalo sa kanyang acting career.

Bukod kay Chin, tampok sa Tickled Pink sina Ron Macapagal, Ailla Nolasco, at Migz Paraiso. Ang pelikula ay ukol sa relationships, separation, adoption, at reconciliation.

Ipinahayag ni Chin na bata pa lang ay pangarap na talaga niyang maging ar­tista.

“Bata pa lang po ako pangarap ko na po talaga maging artista. I started as a talent, vlogger, cosplayer and host. We met po ni Direk Romm last year sa shooting ng Wild and Free movie ng Regal Films sa La Union. Doon pa lang po sinasabi na po n’ya sa akin na malaki ang potential ko sa industry kaya naisipan po niya akong i-cast sa Tickled Pink.”

Paano niya ide-describe ang role sa Tickled Pink.

Sambit ng aktres, “Iyong role ko po sa movie came out as somewhat natural to my real life character na lively and jolly. Isa po akong restaurant owner which is relevant to my real life course, culinary and pastry arts. Hindi po ako nahirapan maging si Trixie dahil feeling ko ako pa rin siya. As for the film, I think it’s very interesting kasi you don’t usually see indie films na may ganoong plot and twist.”

Anong aral ang mapupulot sa kanilang pelikula? “I think po it is more of just showing po siguro na what’s destined to come out is always meant to be and truth will always prevail whatever happens.”

Unang napanood sa pelikula si Chin via Wild and Free nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio. Umaasa si Chin na magtutuloy-tuloy ang kanyang showbiz career.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …