Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Black Lipstick, biggest break ni Kyline

BIGGEST break ni Kyline Alcantara ang Black Lipstick, na idinirehe ni Julius Ruslin Alfonso, na isinulat nina Maria Zia Garganera, Kaila Milos Factolerin, at Mark Stanley Mozo para sa Obra Cinema.

“I never thought I’d be given the opportunity to do the millennial version of Blusang Itim. It’s flattering to be considered for the part,” ani Kyline na nakilala niya ang nagbida sa pelikulang ito rati ng Seiko Films na si Snooky Serna sa movie story conference ng Black Lipstick.

Sobrang na-excite nga si Kyline na makatrabaho si Snooky.

Sinabi pa ni Kyline na sabik siyang bigyang buhay at pagbidahan ang Black Lipstick.

Napanood ni Kyline ang Blusang Itim sa Youtube at humanga siya sa acting ni Snooky.

Hindi naman pahuhuli sa aktingan si Kyline dahil nasubok na rin ang galing niya sa mga pinagbidahang teleserye sa Siyete tulad ng Kambal Karibal na naging highest rating program ng GMA. Bukod pa sa pagwawagi niya ng Best Drama Supporting Actress sa 32nd PMPC Star Awards for TV. Sumunod agad dito ang Inagaw na Bituin kasama si Teri Malvar.

Makakasama naman ni Kyline sa Black Lipstick sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, Kate Valdez, James Teng, Chesca Salcedo, Nella Marie Dizon, Angel Guardian, Angellie Sano, Robin Guillamun, Charming Laguslad, Patricia Roxas, Nicole Villanueva, at introducing si Thai Tomalla.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …