AMINADO si Richard Gutierrez na natagalan ang pagpapakasal nila ni Sarah Lahbati dahil sa mga showbiz commitment niya. Isa na rito ay ang La Luna Sangre na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama ang long time TV partner niyang si Angel Locsin.
Ani Richard sa Special Announcement presscon noong Linggo ng hapon, “medyo na-delay po, ang totoo niyan, we’re suppose to get married earlier kaya lang po nagkaroon ako ng TV series na ‘La Luna Sangre’ sobrang naging busy ako kailangan naming i-posponed tapos Sarah got pregnant again. So na-delay uli.
“Finally stable na kami, si Kai 1 1/2 year na and we feel it’s the right time so ito na ‘yung perfect opportunity to get married,” paliwanag ni Richard ukol sa pagkabalam ng kanilang kasal.
Sinabi pa ni Richard na rito lang sa Manila gagawin ang kanilang kasal ni Sarah sa Marso 2020. “Originally dapat sa Switzerland, pero na-realize rin namin na we want all our families and friends to be there. Malaki ‘yung family ko, side ko, gayundin kay Sarah dito. And ang hirap ilipad lahat (Switzerland). Hindi namin mai-invite lahat. We figured na we’ll have the celebration here na kasama namin lahat ang mga mahal namin sa buhay.”
First serious boyfriend pala ni Sarah si Richard dahil mas focus siya sa trabaho noon dahil maaga siyang nag-work.
Naiiba naman si Sarah (sa mga naging GF) para kay Richard dahil, “siya lang ang minahal ko ng ganito, siya lang ang nagpasaya sa akin ng ganito.”
Nang tanungin sina Chard at Sarah kung paano binago ang pananaw nila sa pag-ibig, sinabi ng aktor na, “it comes in natural eh when you’re in love and when you love a person. Parang it’s natural na you’re good qualities will come out. And at the same time when your relationship is tested parang you discover more about yourself. You discover more what your partner. And having a relationship is not easy pero it’s rewarding once you find the right person.”
“Tulad ng sinabi ni Richard, pareho kaming nag-grow. I grow so much eversince I first I knew him. Marami siyang itinuro sa akin, we just keep growing together as a relationship, as parent and as individual and we cherish that. We cherish what we had,” sagot naman ni Sarah.
Sa kabilang banda, nasupladuhan pala noong una si Sarah kay Richard pero nang makilala niya ito, nakita niya ang kabaitan ng aktor. “Nakita ko ang galing niya makisama kahit kaninong tao, kung gaano siya magmahal sa pamilya, sa kaibigan, kung paano niya tinrato ang parents ko, ako. So talagang first impression aren’t meant to be judge by whoever is judging. Nagkamali ako.”
“Feeling ko parang may pagka-reserve o suplada si Sarah kasi lumaki siya sa Switzerland. Pero once na nag-bond na kami I realize na we have a lot of things that is common. ‘Yung mga adventure na hilig niya, hilig ko rin. I got along with her parents also. So malaking bagay na we spent a lot of times knowing each other bago kami naging official,” sagot naman ni Richard.
Marso ang napili nilang petsa ng kasal dahil ayon kay Sarah, “we chose March because we got engage March. Kai was born in March, Zion is April pero malapit sa March. March is a very special month for us, so we felt March would be nice to get married.”
“Parang everything aligned when we we’re checking the dates, the availabilities, everything parang everything aligned for March so ‘yun we decided na gawin sa March 2020,” tsika naman ni Chard.
Smooth naman ang preparation ng kasal ng dalawa at marami pa silang oras para ayusin ang mga bagay-bagay. “Si Sarah ang hands on sa preparation,” ani Chard. “I think we covered 50 percent of the organization and planning. Next month I will be picking my dress and we’re working on the small details na lang,” pagbabahagi naman ni Sarah.
At dahil nakakikilig ang sobrang pahka-sweet ng dalawa, hiningan sila ng vow, at ito ang nasabi ni Richard, “I’m excited to our wedding. Finally it’s here and finally I’ll call you my wife, officially.”
“You know what’s in my heart and I’m very excited to call you my husband, my bestfriend and my love. And I’m very very grateful to God to have you and to be able to love you for the rest of my life,” sambit naman ni Sarah.
Mapapanood ang ibang detalye ng kasalang Richard at Sarah sa iba’t ibang show ng ABS-CBN gayundin sa iba’t ibang platform ng Kapamilya Network.
Samanta, mapapanood si Richard sa isang teleserye with Bea Alonzo gayundin ang pelikulang pagsasamahan nila nina Angelica Panganiban at Bea, MMK with Elisse Joson, at ASAP Rome. “Medyo busy this time of the year na nasabay pa sa wedding preparation. I have my hands full for the next few months.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio