Saturday , November 23 2024
Sabong manok

Manila Arena, sports stadium ba o cockpit arena?

HINDI lang si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pinag-uusapan ngayon sa Maynila dahil sa ibang klaseng pagpapatupad niya ng mga ordinansa at batas.

Mayroon pang isang pinag-uusapan sa Maynila ngayon.

‘Yan ay ‘yung isang malaking labanan na nakatakdang ‘pumutok’ sa Maynila at ‘yan ay magaganap sa Manila Arena, doon sa  Sta. Ana.

Putok na putok sa sirkulo ng mga sabungero ang malaking labanan na ‘yan sa October 17 — isang malaking derby sa Manila Arena diyan sa Sta. Ana, Maynila.

Kaya desmayadong talaga ang mga taal na taga-Sta. Ana na hindi nililimot ang kanilang kasaysayan. Para sa kaalaman ng ating mga kabataan, ang Sta. Ana ay isa sa maituturing na heritage area sa Maynila.

Kaya nga, if my memory serves me right, noong 2015 nagprotesta ang mga taga-Sta. Ana mula sa hanay ng mga taong-simbahan, mga pro­pesyonal (teachers, doctors, at iba pa), mga magulang at mga estudyante dahil nabatid nila na ang itinatayong gusali sa 3000-sqm sa New Panaderos St., ay isang cockpit arena na pag-aari umano ni Charlie “Atong” Ang.

Ang nasabing area ay sakop ng Heritage area ng Sta. Ana.

Sandaling napayapa ang protesta ng mga taga-Sta. Ana noon, nang tiyakin ng kamag-anak ni Atong Ang na hindi cockpit arena ang kanilang itatayo, kundi isang pribadong sports stadium and recreation center.

Pero, ano ngayon ang mainit na pinag-uusapan sa coffee shops, sa tupadahan, at sa iba pang tambayan ng mga sabungero?

‘Yan ay ‘yung malaking derby sa October 17 diyan sa Arena Manila sa Sta. Ana, Maynila.

Huwaw, ‘yan ba ang sinasabing sports stadium?!

Manok na may tari pala ang maglalaro riyan sa sports stadium na ‘yan?!

Kaya gusto nating tanungin si Yorme Isko, hindi kaya napalusutan siya ni Atong Ang?!

Puwes dapat sigurong busisiin ni Yorme Isko kung anong klaseng permit ang naibigay ng “Office of the Mayor” sa sports stadium ni Atong Ang.

Yorme Isko, mukhang nautakan ka ng ‘kuya’ mo?!

Nauna sa iyo… kaya malamang si ‘Kuya’ ang kausap ni Atong Ang.

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *