Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rocco, hanga sa pagiging witty ni Miles

HINDI nahirapan si Rocco Nacino na pawang mga Kapamilya actor ang kasama niya sa pelikulang Write About Love tulad nina Miles Ocampo, Joem Bascon, at Yeng Constantino mula TBA Studios.

Ani Rocco, si Joem ay kaibigan niya at sina Miles at Yeng ang first time lamang niyang nakatrabaho kaya naman personal siyang nagpakilala sa mga ito.

Hindi naman siya nahirapan sa dalawang Kapamilya aktres lalo na kay Yeng na pareho niyang mahilig sa kape.

Isa si Rocco sa masuwerteng Kapuso dahil nakakatrabaho niya ang mga aktor mula ABS-CBN at GMA 7. Aniya, “Happy ako at sana more projects. At ang laki ng tulong na naging successful ang pelikula ni Alden (Richards) lalo siyang magbubukas ng windows and opportunities para sa amin na mag-work sa ibang network.

Dahil din doon parang pawala ng pawala ang network war kasi kaya na natin gumawa ng quality movies. We have the same goals to make quality movies. Maraming mababago,” anang aktor.

Idinagdag pa ni Rocco na mas healthy din ang walang network war dahil mas marami ang magkakaroon ng trabaho.

This movie (Write About Love) will prove na kaya namin (mag-work) kahit magkaiba ng network,” giit pa ni Rocco.

Sa kabilang banda, puring-puri naman niya si Miles sa pagiging witty nito. “Hindi ko nga masabayan eh. Magaling siyang makipagbatuhan. At saka gusto niyang maging scriptwriter talaga eh. Maganda na maiba naman at sana hindi lang dito magtapos (ang pakikipagtrabaho sa ibang network).”

Ukol naman sa personal na buhay, sinabi ni Rocco na hindi pa sila magpapakasal ng kanyang GF dahil marami pa siyang trabahong dapat tapusin. “Kailangan ko ring tapusin muna ang bahay,” giit niya na 70-80 percent pa lang ito. “Kaya hataw ako sa trabaho muna. Tapusin ko muna ang lahat ng natanguan ko at focus muna sa work,” kuwento pa ng aktor.

Ang Write About Love ay co-written at idinirehe ni Crisanto B. Aquino na directorial debut na nilapatan ng musika ni Jerrold Tarog.

Bago ang Write About Love, si Aquino ay kilala bilang country’s most sought after 1st Assistant Director na nakatrabaho na nina Chito Roño, Olivia Lamasan, Rory Quintos, Laurice Guillen, Cathy Garcia-Molina, at Jerrold Tarog.

Ang pelikula ay produce ng Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment and Artikulo Uno Productions.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …