Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard at Sarah, sa Marso 2020 ikakasal

INIHAYAG kahapon nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na sa Marso 2020 na magaganap ang kanilang kasal. Ginawa ang pahayag na ito sa isang Special Announcement presscon na ipinatawag kahapon ng hapon na ginanap nasa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Hindi pa masyadong nagbigay ng detalye sina Richard at Sarah ukol sa kasal maliban sa rito sa Maynila magaganap at siyempre may partisipasyon ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

May theme na old school romance ang magaganap na kasalan ng dalawa.

Matatandaang unang ibinahagi ni Sarah ang plano nilang pagpapakasal June this year sa kanyang Instagram account. Doo’y ipinost niya ang picture ng kanyang panganay at si Richard noong nasa Hawaii sila na may caption na, “That afternoon in Hawaii with my family.

(kai was with his granny ). As we officially prepare for our wedding next year, I can’t help but feel grateful for this life I have, for my beautiful and amazing family, for my best friend who also happens to be the love of my life.

“I thank God for all the lessons, for His guidance and for growth.

“Being able to experience new things and places with the person you love and grow at the same time is something magical.

I thank God everyday for what I have and for what’s to come.”

Ito muna ang ibabahagi namin sa kasalang Richard at Sarah, sa mga susunod nang column namin tatalakayin ang kanilang sumpaan at kung paano nga ba nag-umpisa ang kanilang pagmamahalan.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …