MULING pinangunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang delegasyon sa Busan International Film Festival (BIFF) 2019 na nagsimula last October 3-12 sa South Korea. Patuloy ang FDCP sa momentum nito sa pagdala ng powerhouse line-up sa BIFF matapos ang magandang kinalabasan ng pagsali ng Philippine delegation dito bilang Country of Focus noong nakaraang taon.
Ang movie ni Direk Brillante Mendoza, isang Lav Diaz film, isang internationally-acclaimed film na magrerepresenta ng Filipinas sa Oscars at new wave independent films ang bubuo sa Philippine entries for screening, world premiere at competition ngayong taon.
Kabilang sa Icons Category ang Mindanao ni Direk Brillante na tinatampukan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon. Dito’y rumampa ang mga bidang sina Juday at Allen. Kabilang din sa category ang Ang Hupa ni Direk Lav, starring Piolo Pascual, Shaina Magdayao, at Joel Lamangan.
Para sa A Window On Asian Cinema, tampok ang Lingua Franca na isinulat, inedit, idinirek, at pinagbidahan ni Isabel Sandoval. Ang Verdict, na idinirek ni Raymund Ribay Gutiererez at pinagbibidahan nina Max Eigenmann at namayapang Kristofer King.
Para naman sa New Currents category, mag-i-international premiere ang Cinemalaya 2019 Best Picture na John Denver Trending. Dadalo rito ang direktor na si Arden Rod Condez, kasama si Meryll Soriano at ang Cinemalaya 2019 Best Actor na si Jansen Magpusao.
Para sa Wide Angle (Asian Short Film Competition), lalaban ang pelikulang Basurero ni Direk Eileen Cabiling. Tampok dito sina Jericho Rosales, Althea Vega, at Soliman Cruz.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio