Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matt Evans at Rich Pabilona, nanguna sa blessing ng Online Travel Express

MATAGUMPAY ang ginanap na opening at blessings kamakailan ng Online Travel Express sa pangunguna ng Kapamilya actor na si Matt Evans at ng owner nitong si Rich Pabilona. Matatagpuan ang 11th branch ng Online Travel Express sa Robinsons’ Metro East.

Si Matt ang ambassador ng naturang online travel agency na madalas na may mga offer na super-sale talaga sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, Bali, Bangkok, Taipei, Macau, Vietnam, Tokyo, Beijing, Melbourne, Sydney, Dubai, at marami pang iba, pati na sa local tours.

Nag-start si Rich sa business niyang ito sa online muna six years ago, na ang office niya ay isang boarding house at ang gamit ay laptop lang. Sa naturang opening nito, sinabi ni Rich kung bakit nila kinuhang endorser si Matt. Nalaman din namin na sobrang generous pala ng big boss ng Online Travel Express na si Rich sa kanyang mga empleyado at may mga regular charitable works siyang ginagawa.

“The reason why we choose Matt as ambassador ng Online Travel Express, bukod sa guwapo siya, he has that quality for tourism that we can boost our tourism in the Philippines and tourism of other countries, as well. As we are promoting tour packages at a very affordable rates. Plus, hindi kasi mahirap kausap si Matt.

“This is our 11th branch, pero ‘yung pagma­may-ari ko lang is tatlo. Iyong iba ay mga franchise sa Davao, Misamis Orriental, Montalban, Quezon City, Tandang Sora, Laguna, Marikina at Pasay. Iyong sa akin is ito, iyong main office at sa Iloilo.

“We offer budget and affordable tour packages na legit talaga, ang pinaaalis namin is almost 500 clients every month. We are awarded internationally, isa sa award namin is from London as Philippines’ Best Online Travel Agency. Ang 30 to 50 percent of our income napupunta sa charity, like, OTE Charities, Tsinelas ni Rich, Pakain ni Rich, Scholars ni Rich, at Pabigas ni Rich, lahat iyan ay funded ng Online Travel Express,” saad ni Rich.

Samantala, naba­nggit ni Matt na gaganap siya bilang kontrabida sa teleseryeng A Soldier’s Heart starring Gerald Anderson. Puspusan ang ginawa niyang paghahanda rito, dahil ito ang unang show niya mula nang magbalik sa ABS CBN.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …