Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine, sinapawan si Ruru; Abs ng actor, inisnab

ITINANGGI ni Jasmine Curtis-Smith na nasasapawan niya si Ruru Madrid sa pelikula nilang Cara X Jagger ng APT Entertainment at Cignal Entertainment na mapapanood sa Nobyembre 6.

Sa pocket interview na isinagawa sa Iago’s Restaurant, sinabi ni Jasmine na never na-intimidate sa kanya ang aktor.

“I feel like we both give what we could give. I felt naman na pantay kami kasi kapag co-actors to co-actors feelings ‘yung makukuha mo sa kanila. Hindi masyado makikita ‘yung skills o talent.

“What you do is you feel if their feeling yet. So ako I felt naman he felt whatever we were doing na eksena ‘yung mga linyahan namin. Naramdaman ko naman na siya ‘yun. Hindi ‘yun pumasok ever sa isip ko. Hindi ko naramdaman na overpower ko sa acting o anumang skills,” paliwanag ni Jasmine na handang-handa na para sa kanyang kauna-unahang lead role sa isang mainstream movie.

Natuwa naman si Jasmine nang positibo ang maging sagot namin nang tanungin ukol sa kung may chemistry ba sila ni Ruru.

“Naramdaman ko naman ‘yung chemistry na ‘yun,” paniniyak ng aktres. “I think it’s important na maramdaman namin siya as actors. ‘Yun ang magpapatawid sa amin kung anuman ‘yung facial expressions namin, ‘yung body language namin.

“Kasi kung hindi mo siya ma-express, hindi mo siya maramdaman as a person, it becomes difficult na ma-express mo siya as the character and as an actor.

“Ako I allow whatever inspiration for feelings or kung anuman ang maramdaman kong chemistry in the moment, I allow it na ma-prolong sa eksenang iyon para rin ‘yung eksena, mas tumatak sa screen, sa mga viewer.”

Sa kabilang banda, nilinaw naman niyang hindi siya na-attract sa pa-abs ni Ruru kahit madalas itong nakahubad.

Aniya, “My God, noh! Ang dami ko nang nakitang abs. Hindi na ako ginaganahan sa mga abs. Wala sa akin ‘yan!”

Sa kabilang banda, pitong taon ang hinintay ni Jasmine para magbida sa isang mainstream at worth the wait naman. Sambit ng aktres, “It’s a very different kind of love story. Character-centric ang Cara X Jagger at kahit na kakaiba ang conflict nina Cara at Jagger, their story still represents what love is all about which is loving someone unconditionally and moving on ahit na gaano kasakit ang isang relasyon.”

Sinabi pa ni Jasmine na excited siya sa kanilang pelikula ni Ruru. “We have worked so hard o make ‘Cara X Jagger’ an unforgettable movie. I am humbled and inspired by our team at ready na ako mag-promote ng pelikulang ito. Sana lahat suportahan ang love story nina Cara at Jagger.”

Ang Cara X Jagger ay idinirehe ni Ice Idanan at orihinal na istorya ni Acy Ramos na ang istorya ay ukol sa isang hindi malilimutang love story na nakasentro sa dalawang magkasintahan na humaharap sa isang kakaibang problema na maaaring buuin o wasakin ang kanilang relasyon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …