Wednesday , February 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Emma Cordero, patuloy ang advocacy para sa scholarship ng mga batang mahihirap

GAGANAPIN ang 4th year ng World Class Excellence Japan Awards sa Amikas Hall sa Fukuoka Japan sa October 14, 2019 at sa Filipinas naman ay sa Heritage Hotel ang venue nito sa October 26. Ang naturang event ay pi­nangu­ngu­nahan ng kilalang singer na si Emma Cordero, na ngayon ay nakabase na sa Japan.

Esplika ni Ms. Emma ukol sa nasabing event. “Ito ay isang three in one big event, na iyon ay isang beauty contest, charity show at red carpet awarding ceremony ng World Class Excellence Japan Awards. This is a benefit event for the children’s education and general welfare of the less fortunate people.

“Ang ilan sa awardees dito ay sina Congresswoman Maria Fe Abunda, Congress­man Ben Evardone… may mga awardee rin kami sa India, Sweden, Ukraine, Japan, at Philippines. Dito sa Philippines, isa sa major awardee ay si Gabby Concepcion bilang Outstanding Actor.”

Dagdag ni Ms. Emma, “Iyong mga proceed ng charity show ko ay roon napupunta, sa mga charitable projects. Like, may mga scholars kami sa Our Lady of Fatima de San Pedro School (OLFSPS). Kasi kung sa pagkanta ko lang, ay hindi kakayanin, kaya kailangan naming humanap ng ibang pagkukuhaan ng funds para sa charity project na ito.

“Plus, any profession ang binibigyan namin ng awards, hindi lang sa mayayaman at hindi lang sa mga big time na businessman. Binibigyan din namin ang mga may talent na hindi nabibigyan ng chance, tulad ng mga singer na hindi nabibigyan ng chance at hindi sila nae-expose.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jose Manalo Mergene Arime Resort

Jose may bagong resort sa Laguna

MAYROONG bagong negosyong resort si Jose Manalo sa Laguna. Ito ay ang Prime Resort na naka-post sa Facebook ng TVJ. …

Maris Racal Gian Bernardino

Paandar nina Maris at Gian ng Cup of Joe ‘di kinagat ng netizens

I-FLEXni Jun Nardo PRANK lang ni Maris Racal ang post sa social media na may bulaklak kasama …

Andrew Gan

Andrew Gan movie producer na, may malasakit sa movie workers

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG ganap na movie producer na ang aktor/businessman na si …

Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush …

Ai Ai Delas Alas

Ai Ai hanap pogi at manlilibre ngayong Valentine’s Day

MATABILni John Fontanilla MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong …