Thursday , December 26 2024

Ang Henerasyong Sumuko sa Love, pelikulang uunawa sa mga millennial

ISTORYA ng mga millennialSuliranin ng mga kabataan. Ito ang ipinakikita sa pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love ng Regal Films na palabas na ngayon.

Kung katulad ko kayong magulang na hirap intindihin ang mga anak na millennial, tamang-tama ang pelikulang ito para mas maintindihan p maunawaan ang kanilang ‘ika ko nga’y kakaibang gawi o ugali.

Maganda ang tema ng kuwento ng limang magbabarkada na may kanya-kanyang suliranin.

Nariyan sina Albie Casino at Myrtle Sarrosa na bagamat nagli-live-in, wala namang label ang relasyon. Basta enjoy lang sila sa company ng isa’t isa. Ang lalaki hopeful romantic, si babae kabaligtaran. Hindi magkasundo dahil magkaiba ng gusto sa buhay. May takot sa commitment, ang isa naman nasobrahan sa pagiging sweet.

Si Jerome Ponce naman ang successful gay businessman sa grupo na hilig ang makipag-sex kung kani-kanino. Pero kwidaw, kahit maraming boys, ‘di pa rin masaya. Tila may kulang pa rin. Siya ‘yung walang takot na ginawa ang lahat tulad ng pag-macho dancing para maka-score sa pinanggigigilang lalaki, si Anjo Damiles.

Trying hard na vlogger naman si Jane Oineza na gagawin ang lahat dumami lang ang subscriber at matalo ang karibal sa dating boyfriend. Kuwela rin ang mga pinaggagawa niya sa kanyang vlog at dumating pa sa puntong ‘yung pinaka-ayaw na ginawa ng karibal na vlogger ay ginawa rin niya. Kumbaga, nilunok na ang lahat maging successful lang.

Si Tony Labrusca naman ang gumanap na may depression sa barkada. Bagamat kompleto ang pamilya, may magandang bahay at trabaho, pero may kulang pa rin. Kung bakit siya nagkaroon ng depression, watch n’yo na lang.

Tagumpay si Direk Jason Paul Laxamana na maipakita ang mga suliraning kinakaharap ng mga millennial kaya tiyak na maraming kabataan ang makare-relate. Marami ring parents ang maiintindihan na ang ugali ng kanilang mga millennial na anak. Hindi lang naman kasi ito basta hugot o suliranin sa puso. Suliranin din itong pampamilya. Kaya nga ang pelikulang ito’y magpapatawa, magpapa-iyak, at magpapalungkot.

Rated B ng CEB at PG ng MTRCB. Palabas na aa mga sinehan kaya watch na.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *