NAKATUTUWA naman itong dating ala-alagang rapper ni Andrew E, si Khen Magat o King Marlon Magat dahil siya na mismo ang nag isang negosyante rin si Khen at nabanggit niyang malaki ang utang na loob niya kay Andrew E. Si Andrew E pala ang dahilan kung bakit nakapagtapos siya nf pag-aaral sa kursong Custom Administrator.
Si Khen ay back-up rap artist ni Andrew E matapos manalo sa pa-rap contest ng magaling na rapper.
Kuwento ni Khen, nakatulong ang pagiging back-up rap artist niya para makapagtapos ng pag-aaral.
Bagamat maraming negosyong naipundar na, hindi pa rin nawala ang passion niya sa rap kaya naman ipinagpatuloy niya ito at tinulungan pa ang mga kapwa niya mahilig ding mag-rap. Nagtayo siya ng sariling record label, ang BWB Records at production na A Tune para rito isakatuparan ang mga pangarap nila.
Aminado si Khen na kay Andrew E niya nakuha ang pagiging matulungin kaya ibinabahagi niya ang natutuhan niyang ito.
Kamakailan, ipinakilala ni Khen, bukod sa kanyang grupo ang dalawa pa sa mga alagang sina Aaliyah at Margarette Shane Moreno Joves a.k.a. Shane.
Inilunsqd ni Khen ang kanyang self-titled album na kinapapalooban ng latest single nila ng baguhang si Shane, ang Wag Ako na available na sa Spotify.
Nagustuhan namin ang kanta/rap na ito at nakaka-lss nga sa totoo lang.
Ani Khen, ayaw niya sa droga kaya nakatitiyak siyang malayong gumamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga artist niya.
Giit pa ni Khen, “With the artists that we are promoting and pushing now, sigurado naman kami sa musikang maririnig nila sa different social media platforms na may kabuluhan at magiging inspirado ang mga kabataang makaririnig sa musika hindi lang nina Shane at Aaliyah kundi ng marami pa.”
Hangad namin na magtagumpay si Khen sa larangang ito dahil malinis ang kanyang adhikain. Mabuhay ka Khen at sana’y dumami pa ang iyong mga matulungan.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio