Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo Aquino, ayaw magpa-pressure sa movie nila ni Maine Mendoza

AMINADO ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino na bilib siya sa husay ni Maine Mendoza na siyang leading lady niya sa pelikulang Isa Pa with Feelings ni Direk Prime Cruz.

Wika ng aktor, “Sobrang gaan, sobrang sarap niyang katrabaho, ngayon ko napatu­nayan na magaling umarte si Maine. ‘Tsaka ang masarap, iyong nagbabatuhan kami ng ideas kapag nasa set. Kung ano ang magandang gawin para sa isang eksena, nagtutulungan din talaga kami.

“Kasi nga ang hirap talaga nang walang dialogue. Unang-una, kaya ko tinanggap ang project kasi sabi ko, ‘Uy, wala akong dialogue.’ Iyon pala ay mas mahirap, kasi kailangan ko pa rin i-memorize ‘yung lines, kailangan ko i-memorize ‘yung signs with facial expressions. Kaya sobrang laki nang tulong sa akin ni Maine.”

Esplika ni Carlo hinggil sa role niya sapelikula.

“Isang deaf-mute ako sa movie, kaya sign language ang communication namin doon ni Mara, which is played by Maine.”

Hindi naman itinanggi ni Carlo na isa ito sa pinakamahirap na role na nagampanan niya.

“Sobrang hirap, kasi emotions kasi e… tayo katulad nating may hearing, kapag nagagalit tayo, may tunog, ‘di ba? May tono, may lakas, may mahina… Kapag ganoon kasi ay facial expressions talaga ang ginagamit nila. Sabi ko nga, nagpilay na ako, nagbulag na ako, pero ito ‘yung pinakamahirap talaga.”

Nagpasalamat din si Carlo sa suporta ng fans nila ni Maine.

“Siyempre masaya, masaya at sana suportahan lang talaga nila, dahil maganda iyong pelikula namin. Hindi naman ako gumagawa ng pangit,” nakangiting saad ng actor. “Maraming-marami pong salamat sa lahat ng suporta ninyo sa amin ni Maine at sana hanggang sa October 16, opening day ay suportahan po ninyo kami hanggang magtapos iyong pelikula namin,” saad ng isa sa pinaka-loveable at tinitiliang BeauteDerm ambassador ng owner at CEO nitong si Ms. Rhea Tan.

Samantala, ayaw namang magpa-pressure ni Carlo dahil may nagkokompara sa pelikula nila ni Maine sa super-blockbuster movie’ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, na kilala bilang love team ni Maine at bu­mu­buo ng kanilang tan­yag na AlDub tandem sa Eat Bulaga.

Sambit niya, “Nani­niwala kasi ako na ma­gan­da ‘yung pelikula namin e, kaya hindi ako nape-pressure. Magaling si Maine, magaling si Direk Prime, at saka pinaghirapan talaga namin iyong proyekto.

“‘Tsaka, hindi ba, isipin mo, sobrang laki nang kinita ng Hello Love… masaya kami for them, hindi ba?

“Kung anoman iyong marating namin at kung saan kami papunta, sana ay maging happy rin sila for us. Dahil hindi naman namin ginawa na pucho-pucho lang itong project na ito,” seryosong wika ni Carlo.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Maine sa kanyang sandamakmak na fans sa maraming block screenings na inoorganisa nila.

“Nagpapasalamat po ako sa kanila kasi parang last time I checked a week or two weeks ago yata, parang nasa 60 plus na iyong block screenings na ginawa ng fans ko. Sobrang thankful po ako kasi wala pa man… kahit hindi pa po naire-release ‘yung trailer, wala pang naire-release na anything, talagang nag-abala na po sila sa block screenings.

“Unquestionable naman po kasi, ever since ganoon naman po talaga sila sa akin, sobrang suporta po sa lahat ng ginagawa ko. Kaya sobrang nagpapasalamat po ako sa kanila,” masayang saad ni Maine.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …