Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elisse Joson, pang-international na ang beauty

PANG-WORLD class na ang beauty ni Elisse Joson dahil siya ang napili ng international beauty product, ang Cathy Doll Ready 2 White mula Thailand na maging brand ambassador.

Aminado si Elisse na na-enjoy niya ang pag-travel sa Bangkok para gawin ang commercial ng naturang produkto.

Aniya sa launching sa kanya bilang ambassador kamakailan,”I enjoyed traveling for fun and work. It’s really something else kasi you get to experience a different culture, you get to see different place and plus side, you get to be with the family that really works well for you. Ako kasi mahilig sa skin care. So, finding a family that works well for me is really great.

“The shoot in Bangkok was really fun, alaga ng Cathy Doll sa akin and everyone was so nice. I had a great time. Sayang nga oras pero overall it was a great experience for me.

Actually sa ganda ni Elisse, may mga nagtatanong kung kailangan pa ba niya ng produktong mag-aalaga pa sa kanyang ganda. Kasi nga naman,  napaka-flawless na ng balat ng dalaga. Pero sabi nga ng dalaga, iba ang may nag-aalaga.

Ang #CathyDollR2WxElisse ang campaign name ng Cathy Doll Philippines. At dahil sa kanyang pagiging sweet, thoughtful, at caring  idagdag pa ang confidence, akmang-akma para maging ambassador ng pampanganda ng kutis.

Ang Cathy Doll Ready 2 White series ay available sa Watsons Stores, 7-Eleven Stores, Mercury Drugstores, Robinsons Department Stores, SM Stores Rose Pharmacy at iba pang leading department stores, supermarkets nationwide and online stores like Shopee, Zalora, at BeautyMNL.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …