BAGO kinasuhan at nakulong sa pandarambong, isa sa mga isinusulong na batas ni Senator Bong Revilla ay babaan ang edad para maging kuwalipikado bilang isang senior citizen.
Tulad ng alam ng marami, sisenta o 60 years old dapat ang sinuman bago ito ganap na maging senior citizen, kalakip ang ilang pribilehiyo mula sa gobyerno.
Before getting jailed, ipinanukala ni Bong na gawing 55 years old ang senior citizen.
Pero nang mapiit sa PNP Custodial Center, hindi na umusad ang bill.
Ngayon ngang nakabalik na siya ay binuhay muli ni Bong ang bill na siya ang may-akda. Hindi man 55 pero nais niyang igiit ang 56 na edad.
Isang taong difference isn’t bad at all.
Aniya, bibihira na sa panahon ngayon ang umaabot ng 60 taon, which is true naman dahil na rin sa lifestyle ng ibang tao na karaniwang nagiging sanhi ng pagkakaroon nila ng karamdaman.
Personally ay ikinatutuwa namin ang hakbang na ito dahil pasok na kami kung age category ang pag-uusapan. Lampas pa ng isang taon!
Maging ito’y mahalaga rin mismo kay Bong who recently turned 53. Imagine, tatlong taon mula ngayon ay siya mismo ang makikinabang sa sarili niyang batas?
But what do Bong and his ilk need it for pa ba? Habol pa ba nila ang 20 porsiyentong diskuwento sa halos lahat ng bagay?
And that includes ‘yung mga mayayamang politiko na rin. No pun intended.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III