Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres Derek Ramsay

Andrea to Derek — good influence siya sa akin

FOR the very first time, na­ging vocal si Andrea Torres tungkol sa kanyang love life.

Very obvious na maligayang-maligaya siya sa relasyon nila ni Derek Ram­say.

Gaano kasaya? So­brang saya,” ang sagot ni Andrea kung gaano siya kasaya ngayon. “Marami ang nakakapansin ng difference.

“Parang ngayon lang din naman ako naging vocal. Ngayon lang din naman ako nagpu-post.

Dati, my family, work or sarili ko, kaya siguro halatang-halata.

“But then, ganoon nga kasi, minsan kapag masyado kang happy, hindi mo na ma-keep sa sarili mo. Hindi mo na rin ino-overthink.”

Sa tanong kung ano si Derek sa puso o buhay niya ngayon?

The closest guy to me right now,” ang tumatawang bulalas ni Andrea.

In love ba sila sa isa’t isa?

Asawa ko siya sa ‘The Better Woman eh,” natatawa pa ring sagot ng aktres.

Pero out in the open na nga na may relasyon na ang dalawa.

Ayon kina Andrea at Derek, walang ligawang nangyari sa kanila.

It just happened,” ayon pa rin sa dalawa.

Hindi namin plinano, eh,” sabi ni Andrea.

Hindi siya nagdalawang-isip kahit na may playboy image si Derek?

Hindi naman kasi ako ‘yung nagdya-judge agad,” sagot ni Andrea.

Noong nag-meet kami, wala naman akong impression, wala naman akong itinatak sa utak ko.

“More on, naaano lang ako na, ‘Shucks, wala kaming common friends, wala akong nababalitaan kung paano ba siya tratuhin.’ More on ganoon lang.”

Close-knit family sina Andrea, ano ang reaksiyon ng mga ito sa relasyon nila ni Derek?

Si Mommy kasi, siyempre nakakasama ko kasi siya sa set. Nakikilala naman niya.

“Witness naman siya sa lahat ng nangyari sa amin. So, okay talaga siya kay Derek.

“Kasi, from the very start, nakita niya na marespeto, friendly rin sa kanya.

 ”Si Daddy ‘yung medyo, ‘Ano kaya?’ Pero confident naman ako na magugustuhan niya.

“Si Daddy, siyempre noong una, ‘Hmmm… ano kaya?’ Pero hindi pa naman niya nami-meet.

“Nang na-meet na niya si Derek, ‘yun, puro magaganda ang nasabi niya.

“So, nakakatuwa.

Kasi si Daddy rin ‘yung kapag ayaw niya, ayaw niya. Medyo mahirap siyang ma-impress.”

Ngayon lang ba naging ganoon katanggap ng kanyang magulang ang lalaking mahal niya?

Nakatutuwa lang din kasi kasama namin sila sa plans namin.

“Kasi, close nga kami sa parents namin.

“At saka masarap ‘yung may blessing ng parents namin.”

Dalawang beses nang nakakapag-dinner si Andrea at ang kanyang mga magulang sa bahay nina Derek.

Good influence siya sa akin,” sabi ng dalaga.

Marami siyang naituro sa akin. Very open kasi kami sa isa’t isa.

“‘Di ba, minsan may nakakahalubilo tayo na binabago ka niya?

“Siya, binabago niya ako roon sa bad habit na mayroon ako.

“Yung parang ganyan, masyado kong iniisip ang ibang tao.

Parang nakatutuwa lang na wala siyang ibang thought kung hindi i-push ako to be myself, para makita ang worth mo.

“Ina-accept ka niya for who you are, kung ano ang mga gusto mong sabihin. Kung ano talaga ang mga nasa isip mo.”

Matagal ding walang karelasyon si Andrea at hindi siya nagmadali.

Yes, it pays to wait.”

Babe” ang term of endearment nina Derek at Andrea sa isa’t isa, pero may pagkakataong “Chin-Chin” ang tawag ni Derek sa kanyang girlfriend.

“Mahaba kasi ang baba ko,” ang tuma­tawang sinabi ni Andrea.

May mga insidente na hindi sinasadyang tinatawag nilang “Babe” ang isa’t isa sa taping ng kanilang mga eksena sa The Better Woman.

Minsan, lumulusot sa soap eh,” at tu­mawa si Andrea.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …