Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manolo, hinangaan ang pagiging hard working ni Kyline

EXCITED na si Manolo Pedrosa sa first movie niyang Black Lipstick bilang contract artist ng GMA. Ito’y hatid ng Obra Cinema at idinirehe ni Julius Ruslin Alfonso.

Si Manolo si Angelo na isang campus heartthrob na magiging dahilan para magpaganda si Ikay/Jessy (Kyline Alcantara).

Bagamat may pagkakahawig sa Blusang Itim ang Black Lipstick, hindi ito remake ng dating pelikula ni Snooky. “It’s like a millennial thing, inspired,” sambit ni Manolo. ”It’s literally a black lipstick but then, it changes colors, depending on the mood.”

Very proud si Manolo kay Kyline dahil, “when were doing this film she’s also doing a teleserye, the ‘Inagaw na Bituin,’ it’s perfect because I was able to bond with her. I really believe the chemistry on cam has to have chemistry off cam. I’m glad that with ‘Inagaw’ and the movie has the avenue for us to get very close that will also transpire on screen. “

Sa pagkakapareha nila ni Kyline, sinasabing may ka-loveteam na siya. “I wouldn’t say loveteam, but then loveteam kami sa ‘Inagaw na Bituin’ and in this movie. I hope masundan pa ito.”

Okey lang naman kay Manolo na magkaroon ng screen partner. “Very important din na magkaroon ng ka-loveteam.”

Hindi rin itinago ni Manolo ang paghanga niya kay Kyline. “She’s really a hard working, she’s really passionate and I really love to work with her more kasi nga nakaka-inspire rin. For someone her age na ganoon ka-hardworking, nakakahanga talaga.”

Nangiti lang naman si Manolo nang matanong ito kung crush ba niya ang dalaga. ”I find her attractive but she’s the type na who would like to keep professional kaya I would like to respect that. Same with me naman, keep things professional. I don’t get into a relationship agad-agad. I’d like to know the person for a long time.”

Nagkakilala naman silang mabuti ni Kyline dahil sa maraming oras nilang magkasama sa serye at pelikula. “The magic about that is we’re free to talk about anything that goes. Ako I’d like talking about fitness. I’d like inspiring people. Kasi I’d like pitching about health. Kasi health is number one in your life.”

Ito rin ang dahilan kung bakit nabawasan ang timbang ni Manolo. Aniya, advocate na siya ng fitness. “Matagal na akong advocate ng fitness kasi I got injured in my back. I couldn’t walk properly that’s why I got fat, I got obesse. That’s why ‘yun din ang naging dahilan kaya ako nawala sa limelight.

Nagkamali ng pagbuhat sa gym si Manolo kaya naapektuhan ang lower back niya. Sinabihan siyang magpa-surgery subalit hindi niya iyon sinunod at naghanap ng ibang paraan para hindi maoperahan ang lower back.

“I opted for a natural way at nag-research talaga ako—health, habits, gym, diet,” kuwento pa ni Manolo na tatlong taon ang ginugol para mabaibalik ang tamang posture ng balakang.

Samantala, naisip pala ni Manolo na mag-concentrate na lang sa pag-aaral nang mangyari ang naturang insidente. “And hopefully to put up my own business. But since I was able to fixed it and na-rehab, ayun might as well strike the iron while it is hot. And dumating nga ang GMA at ang first year ko sa kanila maganda naman. Lot of teleseryes and guesting. And I’m very thankful naman sa kanila,” giit pa ni Manolo na tumaba pala ng 250 lbs. at ngayon ay 118 na lang.

Ang Black Lipstick ay pinagbibidahan din nina Migo Adecer, Kate Valdez, Chesca Salcedo, Nella Marie Dizon, Angel Guardian, Angelie Sano, James Teng, Nicole Villanueva, Phi Ramos, Charming Laguslad, Patricia Roxas, Thia Thomalla, at Snooky Serna. Mapapanood na ito sa Oct. 9.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …