Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Khen Magat, suportado ang mga bagong rap artist

NANG mawala na sa mundo ang King of Rap, The Man from Manila na si Francis Magalona, tila lumamlam na ang klase ng genre ng musika na ipinagpatuloy man ng naging katunggali na si Andrew E. ay hindi rin gaanong lumaganap kaya pansumandali itong nagpahinga.

Naging abala si FM sa Eat…Bulaga!Naging abala sa pelikula si Andrew E.

Kamakailan muling namayagpag ang rap sa ere. Salamat sa umidolo kay FM na si Gloc9 at sa mga sumunod din sa yapak ni AE na karamihan ay nagmula sa Dongalo.

Iba ang rap noon. Mapusok. Rebelde. Agresibo. May mensahe. Matapang na mensahe. Sa kabataan. Sa bayan. Sa lahat.

Here comes Khen Magat. Succesful na businessman ng sarisaring kompanya. Pero may hilig sa musika. At rap ang na-tap.

Ang goal ni Khen in his A Tune Music  ay pumukpok din ng artists na parang pako na iisa-isahin niyang suportahan.

Sa launch ng kanyang grupo, tatlo muna silang artists na kanyang binigyang focus sa media—ang bagets na si Aaliyah at ang 15 years old na si Margarette Shane Moreno Joves a.k.a. Shane.

There is so much to learn from Khen.

Una, ayaw niya sa droga. Kaya sinisiguro niyang malinis ang kanyang artists.

May pagkakataon na pala na sumali at lumaban ito sa Flip Top pero ilang beses siyang natalo ng kalaban sa pagra-rap.

Mahiwaga ang sinasabi ni Khen na ang isang dahilan ay ‘yung nakikita niya kasi ang hindi nakikita ng marami. Kaya, hindi siya magiging sikat sa parteng ‘yun.

With the artists that we are promoting and pushing now, sigurado naman kami sa musikang maririnig nila sa different social media platforms na may kabuluhan at magiging inspirado ang mga kabataang makaririnig sa musika hindi lang nina Shane at Aaliyah kundi ng marami pa.”

Na-enjoy namin ang Gusto Kong Mag-Rap at Wag Ako at iba pa.

Find them in Spotify, Deezer and more!

Sinusuportahan ni Diego Llorico, GMA7 artist mainstay ng Bubble Gang ang kaibigan niyang si Khen sa mga nais na gawing proyekto nito. Ito na ang simula.

Pakinggan na sila.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …