Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, nag-enjoy sa pagmamaldita; mga anak ‘di alam na artista siya

NAPAGOD nang maging api-apihan at nangilo na ang pisngi sa mga sampal na natatanggap si Judy Ann Santos kaya naman sumusubok na ang Teleserye Queen na magbida-kontrabida, mang-api o magmalupit.

Unang nakita ang pagko-kontrabida ni Juday sa FPJ’s Ang Probinsyano na gumanap na serial killer. Ngayon, isang malupit at powerful na abogado na gustong maghiganti sa kanyang pinanggalingang baryo na itinuturing niyang simbolo ng pagkatalo at masakit na alaala ang gagampanan sa bagong handog ng Dreamscape Entertainment, Inc ng ABS-CBN, ang Starla.

Ani Juday, mala-Meryl Streep ang role na ginagampanan niya sa bagong primetime series na Starla. Bida-kontrabida siya na aniya’y pinag-aralan niyang mabuti ang bagong role.

Pinanood ko si Meryl Streep sa ‘Devil Wears Prada’ nang ilang beses para pag-aralan ‘yung pagsasalita niya, ‘yung paglalakad niya pati ‘yung pagiging impakta niya,” aniya pa bukod sa pagdadamit ng bonggang-bongga.

Sinabi pa ni Juday na pinag-aralan din niya ang mga legal terms dahil abogado nga ang rol niya.

Iginiit pa ni Juday na na-enjoy niya ang pagiging kontrabida at pagiging impakta sa Starla kaya naman umaasa siyang makagawa pa ng mga ganitong klaseng projects in the future.

Sa kabilang banda, naikuwento pa ni Juday na hindi alam ng mga anak niya na artista siya.

Natatawang kuwento ng aktres, “Hindi sila naniniwala na artista ako. Ang alam lang nila host ako, ha ha ha.”

Ang Starla ay mapapanood na simula Oct. 7 sa Primetime Bida after ng Ang Probinsyano. Ang Starla ay idinirehe nina Onat Diaz, Darnel Villaflor, at Jerome Pobocan.

Bukod kay Juday, kasama rin sina Joel Torre, Joem Bascon, Raymart Santiago at ang mga child starnna sina Enzo Pelojero bilang Buboy at Jana Agoncillo bilang Starla, with special participation of Tirso Cruz III at Charo Santos.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …