Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dyosa Pockoh, thankful sa GMA-7

PINURI ng komedyanteng si Dyosa Pockoh ang dalawa sa pangunahing bida ng One of the Baes na sina Ken Chan at Rita Daniela na mapapanood na ngayong Lunes sa GMA-7.

“Ang masasabi ko po kina Rita at Ken ay napakababait na artista nilang dalawa, napaka-humble at dedicated sa trabaho. Sobrang sipag nila, walang reklamo kahit maaga na natatapos ang shoot,” pahayag ng komedyanang taga-Batangas.

Dagdag ni Dyosa, “Ang role ko po rito ay secretary ni Melanie Marquez as Alona Aragoza, may-ari ng maritime school.”

Paano niya ide-describe ang One of the Baes? “Hindi po dahil kasama ako roon, pero super-ganda po talaga ng series na iyon. Bukod sa love team ng RitKen, e kaabang-abang din dito ang pagbabalik ni Roderick Pau­late at ang awayan nina Amy Austria at Melanie Marquez, na talagang so­brang naka­tatawa po.”

First time ba niyang magka-show sa GMA-7? “Hindi po siya first guesting ko, kasi marami na akong show na napag-guestan sa GMA-7. Pero ang One of the Baes ang unang serye na gina­wa ko, na akala ko nga po noong una ay extra lang ako. Pero mahaba pala ang role ko, kaya super-saya ko po.”

Pahabol ni Dyosa, “Ang makasama sa ganitong project ay sobrang saya. Napaka-blessed ko dahil napili ako, excited ako at ‘di makatulog noong first day shooting ko. Kaya super thankful ako sa GMA-7 at sa One of the Baes.”

Bukod sa One of the Bae, si Dyosa ay mapapanood din sa pelikulang Two Love You nina Yen Santos, Lassy Marquez, at Kid Yambao, showing na ito sa Nov. 13.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …