Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, isasalba ni Coco

THE latest MMFF updates have it na opisyal na ngang disqualified ang entry ni  Kris Aquino na pinamagatang (K)ampon sa ilalim ng Quantum Films.

Dahil nabakante ang slot nito’y napunta ito sa next in ranking na may kaparehong genre, ang Sunod na pinagbibidahan naman ni Carmina Villaroel.

So far ay apat pa rin out of eight ang mga official entries na naisasapubliko. To follow ang ikalawang batch of four MMFF entries sa darating na October 20.

Chances are ay pasok ang kay Coco Martin dahil nakasanayan nang may entry ang actor-director sa tuwing sasapit ang festival.

Balitang may pamagat ito na Tripol Trobol (parang ‘di naman gaanong pinag-isipan) just because tatlo ang mga pangunahing bidang tampok.

Sila’y sina Coco, siyempre, at dalawang “imports” mula sa kabilang estasyon, sina Jennylyn Mercado at Ai Ai de las Alas.

Hindi na bago kina Ai Ai at Jen ang lumahok sa MMFF. Ilang taon na kasi silang kasali although in separate movies.

Naiintriga lang kami sa pagpayag ni Ai Ai na gumawa ng kung susumahi’y magiging pang-apat na niyang pelikula bago matapos ang 2019.

Nitong second quarter particularly noong Mother’s Day noong Mayo ay tampok siya sa pelikulang Sons of Nanay Sabel (S.O.N.S.) kasama ang noo’y alaga pa niyang Ex-Batallion.

Nasundan agad ito ng Feelinenial kasama si Bayani Agbayani.

At ang ikatlo’y ang And I Thank You with Dennis Padilla.

Sa kasawiang-palad, ang tatlong magkakasunod na pelikula ni Ai Ai—sa aminin man niya o hindi—ay disaster ang sinapit sa takilya.

But even before she did all three films ay nagbaba na siya ng desisyon na huli na ‘yung And Ai Thank You. Pero hindi pa pala dahil nga sa Tripol Trobol with Coco.

In fairness, hindi na kailangang hulaan kung kikita ba o hindi ang entry ni Coco. The question is more on its ranking: kung kakabugin ba nito ang entry ni Vice Ganda.

Pero mabuti na ring tinanggap ni Ai Ai ang project na ito para bago man lang mamaalam ang 2019 ay makabawi siya sa tatlong sunod na floppey she didn’t expect herself.

‘Yun nga lang, Ai Ai cannot take the solo credit for it.

Either way, “naggamitan” lang sila ni Coco. Ginamit niya ang actor-director para burahin ang kanyang masaklap na box office image na bukod-tanging sa kanya lang nangyari sa buong taon.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …