LUSAW na raw ang Ninja cops, sabi ni retiring PNP chief, Gen. Oscar Alabayalde.
Kung mayroon daw nagre-recyle ng mga ilegal na drogang nakokompiska mula sa mga suspek, mga lespu raw ‘yun na kanya-kanyang sistema lang.
Marami raw kasi sa mga dating ‘Ninja’ cops ‘e nangamatay na sa enkuwentro, nag-AWOL, habang ‘yung iba siguro ay nangibang bansa na.
E bakit nga ba kasi hindi ina-account ang mga ilegal na drogang nakukuha sa mga suspek?! Saan ba talaga napupunta?! Bakit kailangan i-stock nang matagal?!
Taon-taon maraming mga bagong pulis ang pumapasok sa serbisyo. Hindi kaya dapat, maging mabilis ang pagpapalit ng puwersa ng pulisya lalo na ‘yung mga yunit na nakatutok sa kampanyang anti-ilegal na droga?!
Sabi nga, familiarity breeds contempt… kaya habang nagtatagal ang isang pulis sa anti-illegal drugs unit lalo silang natutuksong gumawa nang hindi tama. Kapag ganoon ang nangyari, hindi na nakatutulong iyon sa pulisya.
Sa panig naman ni NCRPO chief, PMGen. Guillermo Eleazar, kung mayroon kayong datos at tukoy ninyo kung sino ang mga ‘Ninja’ cops, aba, sampahan na ng kaso at sibakin na sa serbisyo.
Umpisahan n’yo na P/MGen. Eleazar!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap