Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapamilya at Kapuso stars, sanib-puwersa para sa BeauteDerm

NAGHATID ng solid na entertainment at ligaya sa mga taga-Angeles City, Pampanga ang pinagsanib na puwersa ng mga Kapamilya at Kapuso stars para sa Beautederm Flagship Store Grand Opening na ginanap last September 22 sa Marquee Mall. Present sa star-studded event ang Beautederm CEO and owner na si Rhea Anicoche Tan at Chief Operating Officer na si Sam Tan.

Kabilang sa higit dalawang dosenang ambassadors/endorsers na tampok sa naturang event, ang Face of Beautederm na si Sylvia Sanchez, Beautederm Gold ambassador na si Lorna Tolentino, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Ejay Falcon, Ken Chan, Ria Atayde, Jane Oineza, Ryle Santiago, Sherilyn Reyes, Pauline Mendoza, Glydel Mercado, Maricel Morales, Rochelle Barra­meda, Jimwell Stevens, Jestoni Alarcon, Anne Feo, Kitkat, Alyanna Asistio, Lance Tan, Bulacan Board member Alex Castro, San Manuel Tarlac Mayor Donya Tesoro, at Dra. Riza Caldoza. Special guests sina Kakai Bautista at Boobay. Nagsilbi namang hosts ang ambassadors na sina Shyr Valdez at Darla Sauler.

As usual, nagpaulan ng papremyo rito si Ms. Rhea ng iba’t ibang Beautyderm products. Sa special song number ni Ms. Sylvia na apat na nanay ang hinatak niya sa stage, lahat sila ay binigyan ng cash ng BeauteDerm lady boss.

Kabilang sa tinilian nang husto ng fans sina Carlo, Arjo, Ejay, Ken, at iba pa. Pero ang isa sa highlight na unang bumulaga kay Ms. Rhea ay naganap sa simula ng event nang sorpresang dumating ang idolong veteran broadcaster at TV host na si Ms. Korina Sanchez. Bukod sa nagulat, napaiyak si Ms, Rhea sa gesture na ito ni Ms. Korina.

“Ako po ay nagpapasalamat sa imbitasyon ng taga-Beautederm at dito po sa inyong mainit na pagtanggap sa aming lahat dito sa Beautederm kasama ni Ms. Rei Tan dito sa Pampanga. Sana po salubungin po natin ng pagmamahal at pagtanggap ang flagship store ng Beautederm dito po sa Pampanga. Maraming-maraming salamat po and Rei, congratulations to you! Alam kong hindi na mapipigilan ang Beautederm sa pag-angat nito sa buong Filipinas at kahit sa buong mundo dinadala ang bandila ng Filipinas sa lahat ng parte ng daigdig. Congratulations! I’m sure this is just the beginning of 10-fold of the success of Beautederm.”

Tugon dito ni Ms. Rhea, “Totoo ba ito? Ma’am, I’m speechless and really lost for words. Ladies and gentleman, palakpakan po natin si Ms. Korina Sanchez, ang aking idolo. Ako po ay nag-MassCom dahil po sa kanya. Hindi ko po alam ang gagawin ko kanina, kung magko-collapse ba ako, nanginginig ako hanggang ngayon kasi sobrang idol ko siya.”

Saad naman ni Ms. Korina bilang reaction, “I started a business because of you.”

Ang flagship store ng Beautederm ay located sa 2nd floor ng naturang mall. Isang consistent Superbrands awardee, ito ang 88th store ng Beautederm. Para sa karagdagang mga balita at updates ukol sa Beautéderm Corporation, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautéderm sa Facebook.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …