Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yeng, na-enjoy ang unang pag-arte — Definitely hindi ito ang huli

NA-ENJOY ni Yeng Constantino ang unang pag-arte sa pelikula. Ito ay sa pamamagitan ng bagong handog ng TBA Studios, ang Write About Love na pinagbibidahan nina Miles Ocampo at Rocco Nacino na isinulat at idinirehe ni Crisanto B. Aquino at nilapatan ng musika ni Jerrold Tarog.

Ani Yeng sa mediacon ng Write About Love noong Martes ng tanghali sa Romulo’s sa Quezon City, “tayo bilang nagtatrabaho sa industry gusto natin ng growth and as a songwriter I think it will help me kasi simula nang pumasok ako sa industriya, ‘yun at ‘yun ang ginagawa namin eh.

“Gising ka ng maaga, mag-aayos ka, make-up ka, travel ka, punta ka sa place, papahinga, tutugtog, kakanta ka. You don’t have other perspective.

“But entering into films, nakakita ako ng buhay ng ibang tao and you have that privilege na ilagay ang sapatos mo sa bawat character. It’s like you’re living in a different life at the same time. Ibang dimension din siya as an artist. Nagustuhan ko rin po.

“Kaya definitely hindi po ito ‘yung huli. Magkakaroon pa po (another movie). Gusto ko pang mag-audition pa,” mahabang paliwanag ni Yeng na nag-audition pala siya rito sa Write About Love na madalas kaeksena si Joem Bascon.

Sinabi pa ni Yeng na very natural ang naging acting nila ni Joem. At aminado siyang malaki ang naitulong ng actor para hindi siya mahirapan sa unang pag-arte niya sa harap ng kamera.

“It was hard pero at the same time hindi siya as hard kasi kung ‘yung katrabaho mo dahil beterano na ang ka-eksena ko, kapag nako-confuse na ako hinahawakan ko ang kamay niya at pinipisil. Ibig sabihin niyon, ‘bro tulungan mo ako na kahit hindi nakatapat sa iyo ang kamera aktingan mo ako kasi kailangan ko ng suporta dahil ang bigat niyong eksena.’ And sobrang generous naman ni Joem na everytime na may ganoon kaming eksena kahit batok lang ang nakikita sa kanya, umaakting siya talaga para ma-execute naming mabuti iyong eksenang kukunan.”

Nagamit naman ni Yeng ang pagiging singer niya sa pelikula. “Ginawan po namin ng version ‘yung kanta ni Jolina (Magdangal), ‘yung Kapag Ako Ay Nagmahal, acoustic version, kasi ang karakter ko rito ay kumakanta rin.”

Game namang ibinuking ng magaling na singer na may kissing scene sila ni Joem sa pelikula. “Mayroon po, ha ha ha,” buong pagmamalaki nito. “Pero smack lang naman,” sabi pa nito at pabirong iginiit na nanghihinayang nga siya dahil smack lang ang halikan nila ng actor.

Ang TBA ang nag-prodyus ng mga pelikulang Heneral Luna, Goyo, at Birdshot kaya naman natanong ang isa prodyuser, si Mr. Eduardo Rocha kung ano baa ng mayroong si pelikulang Write About Love at sinugalan nila.

Ani Mr. Rocha, nagandahan sila sa script ng Write About Love bukod pa sa bilib sila sa galing ni Direk Aquino. “Crisanto Aquino is a wonderful director. This is his first film and definitely won’t be the last. He work with us with so many films and he shows his chops and he can carry a movie as a director.” 

Sinabi pa ng Executive Producer na  ”We wanted to do a film about the unsung heroes of filmmaking – the script writers. About their writing process and how they create characters which often turns out to be their alter egos.

“And it’s perfect timing since we are celebrating 100 years of Philippines cinema.”

Si Aquino ay kilala bilang country’s most sought after 1st Assistant Director at nakatrabaho na ng mga magagaling na direktor tulad nina Chito Roño, Olivia Lamasan, Rory Quintos, Laurice Guillen, Cathy Garcia-Molina, at Jerrold Tarog.

Ang Write About Love ay prodyus ng Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment and Artikulo Uno Productions.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …