Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu, classy at fashionable artist (Pang-ookray, tigilan)

KIM CHIU is one of the best dressed celebrities in the annual ABS-CBN Ball. Isa rin siya sa mga classy at fashionable artist na nakikita namin taon-taon kapag isinasagawa ang pagtitipong ito ng mga Kapamilya artist. Kaya nakatatawa iyong mga nang-okray sa gown na isinuot niya sa ball. As if, magagaling silang magdamit.

Sinasabing nagamit o kinopya lamang o nagamit na sa isang beauty pageant ang mermaid dress ni Kim sa katatapos na ABS-CBN Ball. Pero wait, huwag agad-agad humusga.

Ang mermaid dress ay likha ni Benj Leguiab, isang young designer. At dahil likas sa pagiging matulungin si Kim, mas nanaig sa kanya iyon. Ginamit at isinuot niya ang damit na gawa ni Leguiab dahil gusto niyang makatulong sa mga tulad ni Benj. Natural siyempre na pumili ang designer ng sikat na artista para makapagsuot ng kanyang damit, para mas madaling mapansin.

Kasi kung sa iba iyon ipinasuot, sa tingin n’yo ba mapapansin ‘yun? One hundred percent na hindi. Pero dahil si Kim ang nagsuot, agad na napansin, kasi iba magdala si Kim. Ang mahalaga siguro ay sa kung paano nadala ni Kim ang gown na iyon. And she’s no doubt a designer’s dream celebrity.

At ang importante nga, Kim has consistently maintained her being one of the best dressed celebrities sa annual ABS-CBN Ball.

Tingnan ninyo nga itong mga picture na pinagsama-sama namin mula 2015 hanggang ngayon. Pagdating sa bearing at class, no one can be at part with Kim.

Kaya pasensiya na sa mga nang-ookray at walang magawa, kahit ano pa ang ipasuot na damit kay Kim, she will always be classy and fashionable.

Kaya tigilan na ang mga walang wawang kuda.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …