Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bidaman finalist Ron Macapagal, dream magka-teleserye sa ABS CBN

DREAM ng Bidaman finalist na si Ron Magapagal na magkaroon ng teleserye.

Saad ni Ron. ”Yes po, iyon talaga ang pa­ngarap ko po, ang magka­roon ng tele­serye. Kung bibigyan ng chance, gusto ko po maka­trabaho sina Joshua Garcia at Ja­nella Salvador, iyon pong sa Killer Bride. Kasi magaling si Joshua, at si Janella isa siya sa hina­hangaan ko po ngayon.”

Paano kung biglang sabihan siya ng ABS CBN na isasali sa Killer Bride? “Ay naku, hindi ko po alam, baka magtatatalon ako sa tuwa, baka umiyak pa nga po ako sa tuwa. Kasi, matagal ko na pong dream iyon,” nakangiting saad ni Ron.

Dagdag niya, “Sana po bago matapos ang taon, kahit masali lang po ako sa isang teleserye sana.”

Sa pelikula ba, game siyang magpa-sexy? “Iyong sexy movie… well, I would say na sa ngayon ay no po. Kasi, may parang goal po ako, na parang like John Lloyd Cruz at Jericho Rosales, iyon ang peg ko po, iyong mga movies nila the very dramatic, na magpapakita ng emosyon.

“Pero okay lang naman po sa akin iyong topless. Actually, may ginawa po ako, bale pumasok sa mainstream, pero hindi pa po puwedeng sabihin. Nakagawa na rin po ako ng mainstream, I’ve done two movie po with Regal Films, iyong Wild and Free nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez at Time And Again nina Enzo Pineda at Winwyn Marquez.”

Incidentally, congrats kay Ron at sa mga kasama sa Tickled Pink at Bata Bata Bakit Ka Ginawa sa matagumpay na premiere night nito sa Cinematheque last Sept. 20. Kapwa pinamahalaan ni Direk Romm Burlat ang dalawang pelikula. Tampok sa Tickled Pink sina Ron, Chin Soriano, Ailla Nolasco, at Migz Paraiso. Ang Bata Bata Bakit Ka Ginawa naman ay pinagbidahan nina Ron, Fiona Yang, Clarissa Milne, at Derrick Lloyd Pua.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …