Friday , November 15 2024

Pag-amyenda sa juvenile law, buhayin!

ANO na bang nangyari sa pinagtatalunang juvenile law lalo sa pagpapababa sa edad ng minor na puwedeng sampahan ng kasong kri­minal?

Natahimik ang mga mambabatas sa pag-amyenda – ang babaan sa 9-anyos mula edad 15 ang puwedeng sampahan ng kasong kriminal samantala bago ang midterm election ay gamit na gamit ang isyu.

Nariyan iyong ipinagtatanggol ang mga bata para makuha ang atensiyon ng mga magulang habang mayroong mga pabor na ibaba sa 9 anyos.

Bakit nga ba natin naisip na buhayin ang pag-amyenda sa juvenile law?

Pero ano pa man, tutol tayo sa pagpapababa sa edad 9-anyos na puwede nang sampahan ng kasong kriminal.

‘Ika ko, hindi ito makatao at paniwalang sa edad na 9-anyos ay walang batang ganoon kasama o masasangkot sa malakihang krimen – holdapan, bukas kotse, at iba pa.

Ngayon, para bang nagbago ang atin pananaw – pabor na tayong gawing 9-anyos ang puwedeng arestohin, ikulong at sampahan ng kaso. Bakit?

Sabado dakong 8:00 am, 14 Setyembre 2019, habang naghahanda tayo para sa isang lakad, inilabas ko muna mula sa garahe ang sasakyan para madali na ang lahat.

Habang naghahanda, maya-maya ay sumigaw si misis… “Daddy, may mga bata sa sasakyan mo. Dali! Pagkasilip mula sa bintana, may mga bata nga. Binuksan at pinasok nila ang sasakyan.

Siyempre, ang kasunod nito matapos na bulyawan ang mga bata. Habulan blues. Ang liliksi at ang bibilis tumakbo ng mga bata pero, malas – naabutan ko sila. Sumuko sila sa katatakbo matapos nilang maramdaman na hindi natin sila nilubayan kasi kahit ilans liko na sila ay hindi nila tayo naiwanan kait ilang metro.

Pero ang ginawa nila matapos mapagod. Nagtago sa madamong bakanteng lote. Nahuli pa rin namin ang tatlo sa tulong ng isang residente na nakakita kung saan nagtago ang tatlo matapos biglang maglaho nang lumiko sa isa pang kanto. Alam n’yo ba kung anong edad ng mga bata? 14 anyos, 12 anyos at 9 anyos.

Sa murang edad, wala silang kinakatakutan. Akalain ninyo, aga-aga nilang kumakana — 8:00 am?!

Bagamat, wala naman silang nakuha sa loob ng kotse pero inaming tinangka nilang kunin ang isang body bag pero nabigo sila dahil ipinulupot ko ang sling nito sa kambiyo. Ang bag na tinutuoy nila ay isang first aid kit mula sa PRC.

Naawa ako sa mga bata, pero no choice kung hindi ipaalam sa guard ng subdibisyon na siyang nag-report sa barangay. Dinala ang mga bata sa DSWD. Pabalik-balik na rin yata sila sa DSWD.

Anang mga bata, wala raw nag-utos sa kanila. Sila-sila lang daw ang kumikilos. Inamin rin ng tatlo na marami na rin binuksan at pinagnakawan. Karamihan sa biktima raw nila ay mga sasakyan na unlocked makaraang iwanan sandali dahil may kukunin sa loob ng bahay ang may-ari. Sinasalisihan nila.

ipinatawag naman ang mga magulang ng mga bata pero hanggang ganoon na lamang, pinag­sabihan ang mga magulang.

Ngayon, masisisi ba ninyo tayo kung papaboran na natin ang pag-amyenda sa juvenile law? Nasaan ang mga mambabatas natin? Ba’t nila pinatulog ang pag-amyenda sa juvenile law?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *