Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Singer-actor tablado, ‘di pinayagang makapag- promote

TRUE palang banned ang isang singer-actor na mag-guest sa alinmang programa ng isang network bilang “kaparusahan” sa kanyang in-emote laban dito sa social media.

Kamakailan ay naipalabas na ang pelikulang tampok siya kasama ang dalawa pang komedyante. As part of the contract, kinailangan nilang i-promote ang kanilang movie.

Sad to say, ang dalawang co-actors lang niya ang pinahintulutang mag-ikot-ikot sa ilang programa ng network para mag-promote. In short, tablado ang singer-actor.

Matatandaang inireklamo niya noon ang TV station nang inetsapuwera siya sa isang pangkalahatang exposure featuring all the network talents.

Sa sobrang sama ng loob, nag-post siya ng mga kung anik-anik na hanash na siyempre’y hindi nagustuhan ng pamunuan. At eto nga, bilang resbak ay banned siya na i-promote ang latest movie na kasama siya.

Da who ang tabladong singer-actor? Itago na lang natin siya sa alyas na Gino Gibraltar.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …