Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyong binuksan ni Alma, sinuportahan ni Rei at mga ‘kapatid’

KAHIT more than seven years na ang binibilang ng pagiging magkaibigan, ngayon lang nagkaroon ng tapang ang dating beauty queen at aktres na si Alma Concepcion para buksan ang sariling BEAUTéDERM hub sa tulong ni Ms. Reí Tan.

Sa grand launch ng shop sa Colonial Residences along Xavierville sa Loyola Heights, “Jesus personified!” ang paglalarawan ni Alma sa kanyang kaibigan.

Ayon naman kay Ms. Reí, itinuturing niyang “Forever Friend” si Alma dahil nang nagsisimula pa lang siya sa malaganap na niyang negosyo, ito ang unang-unang naniwala sa mga ibinebenta niya at kailanman eh, hindi siya binitiwan at iniwan. Si Alma naman, na nasanay din sa pagtitinda gaya ng kanyang ina ng growth balls (o ang Shenyung Balls na nauso noong 80’s) eh, naging inspirasyon ang natutuhan na niya sa maagang edad.

Sinimulan niya ang BEAUTéDERM online. At ngayon mayroon na siyang Queen Alma at distributor na ng nasabing produkto. Napalaganap ni Ms. Reí ang kanyang negosyo at laking pasasalamat sa mga celebrity na endorsers din para lalo pang umingay at mapalaganap ang kanyang produkto sa merkado. Parang isang pamilya kapag may naglulunsad ng nasabing produkto. Kaya mangiyak-ngiyak si Alma sa kanyang grand launch.

Nagsidalo ang mga “kapatid” niya sa negosyo gaya ng mag-asawang Jimwell Stevens at Rochelle Barrameda, brother Albert Concepcion, Maricel Morales, Glenda Garcia, Sherilyn Tan and son Ryle, Jestoni Alarcon and wife Lizette, Shyr Valdez, Ken Chan, Ejay Falcon, Gabby Concepcion and Sylvia Sanchez. Hindi nga muna mahaharap ni Alma ang kanyang showbiz career sa pagbubukas ng kanyang puwesto.

“Kailangan maging hands on. Kasi may physical store na akong kailangang asikasuhin everyday of my life. I am just very thankful kay Reí kasi talagang hindi siya pumayag na hindi ko ito gawin. Her flagship store will be launched din this month sa Marquee Mall. Masaya na kinakabahan. But knowing her who’s been a blessing to all of us, alam na namin na we can never go wrong. Kaya, tuloy-tuloy na ito.”

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …