MAGANDA ang pagkakagawa ng pelikulang Marineros na idinirehe ni Anthony Hernandez na pinagbibidahan ni Michael De Mesa kasama sina Jef Gaitan, Ahron Villena, Alvin Duckert, Claire Ruiz, Paul Hernandez, Anthony Hernandez, at Jon Lucas, hatid Golden Tiger Films at Premier-Dreams Production.
Ang pelikulang Marineros ay tumatalakay sa buhay ng mga marino at ng kani-kanilang pamilya, istorya ng pagmamahal na umikot sa istorya ng magkasintahang Karen (Claire) at Vale (Jon) na isang baguhang marinero, pakikipaglaban para makamit ang hustisya ni Michael na isang marinero na nabulag nang madesgrasya sa kanyang trabaho, sakripisyo ni Kent (Ahron) na nagtrabaho sa ibang bansa habang naiwan ang asawa’t (Valerie) anak sa Pilipinas para matupad ang pangarap at ang pag-iwas sa tukso mula sa kanyang babaeng costumer para sa kanyang trabaho bilang waiter sa barko ni Kelvin (Paul).
‘Di matatawaran ang husay sa pagganap sa kani-kanilang role ng mga artistang kasama rito . Plus factor pa ang pagpapakita ng mga magagandang tanawin ng Bohol na kinunan ang nasabing pelikula.
Very inspiring at kapupulutan ng aral ang Marineros na mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa September 20.
MATABIL
ni John Fontanilla