NANINDIGAN si Kris Aquino sa kanyang Instagram post na hindi maaapektuhan ang relasyon nila ng kapatid niya na si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil lamang sa magkaibang pananaw kaugnay ng relocation ng rebulto ng kanilang ama at bayaning si Ninoy Aquino.
Kamakailan ay tinanggal ang statue ni Ninoy sa corner ng Quezon at Timog Avenue para bigyan daan ang road clearing operations ng MMDA na naglalayong mapabuti ang daloy ng trapiko sa lugar na iyon. Ibinigay naman ng pamilya Aquino ang kanilang blessing matapos magpaalam ng Quezon City government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.
Ang isyu ngayon ay kung saan ililipat ang statue ni Ninoy. Binigyan ang Pamilya Aquino ng dalawang options – ang Parks & Wildlife sa Quezon Avenue na gusto ni Noynoy at ang area malapit sa Trinoma at Vertis North na gusto naman ni Kris.
Dahil sa magkaibang pananaw, tila gustong pag-awayin at palalain ang gap nina Kris at Noynoy ng ilang tao. Aminado man si Kris na hindi pa sila totally okay ni Noynoy, pero hindi niya hahayaang lumala ang gap nila. Hindi rin nila papayagang gawing mala-teleserye ang istorya ng kanilang pamilya.
Ayon nga sa Instagram post ni Kris, ”Speaking of my dad, to clarify HINDI po naging issue sa family where our his statue would be relocated.
“Ate had messaged all of us after Mayor Joy Belmonte had communicated with her that MMDA had requested a change of venue. 2 options were given, Parks & Wildlife or the area near Trinoma/Vertis North where @iloveayalamalls is doing a lot of expansions. Hindi po issue na Noy chose DENR’s Parks & Wildlife and i wanted the mall development area… obvious naman na magkaiba talaga kami, and clear din na we practice freedom of choice in our family. My vote had gone to the area nearer malls because i had felt mas mataas ang ‘foot traffic’ and more of our youth would see my dad’s likeness on a regular basis and maybe have some curiosity about Ninoy Aquino & his contribution to Philippine democracy as we know it today.
“Hindi naman secret sa inyo, rebuilding our relationship as brother and sister remains a work in progress for us BUT hindi ibig sabihin na wala na kong pagmamahal at respeto sa ‘kuya’ ko na naging napaka mahalagang bahagi ng magandang pagpapalaki ko kay kuya josh. So kung trip nyong gawing teleserye ang buhay pamilya namin, ma bo-bored lang kayo kasi walang matinding di pagkakaunawaan na nagaganap. Hindi ko rin kayo pa-plasticin at sasabihan na very close kami, we’re not- last time kaming nagkita was more than 4 months ago.
“But really? Location ng statue ng dad namin ang gustong gamitin na issue to widen our gap? Trust me we’ve had more disagreements of substance than that. It’s just that we respect our mom’s memory so much that whatever differences we may have, we choose to keep them private in the hope that TIME will help heal & resolve all of them. #familyfirst”
PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga