HINDI naiwasang kiligin ng newest Kapuso star na si Erin Ocampo, dating miyembro ng all female group ng It’s Showtime, ang Girltrends nang tanungin kung sino ang Kapuso actor na gusto niyang makatrabaho.
Kuwento ni Erin na noong mapanood niya ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden, ang Hello, Love, Goodbye ay naging crush na niya ang aktor.
Kaya naman sa paglipat niya sa Kapuso, isa ang aktor sa gustong makatrabaho, bukod pa sa iba pang mga Kapuso star.
Sa ngayon mapapanood si Erin sa Beautiful Justice na pinagbibidahan nina Bea Binene, Gabbi Garcia, at Yasmien Kurdi bilang mga PDEA agent.
MATABIL
ni John Fontanilla