Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards
Alden Richards

Bansag na Asia’s Box Office King kay Alden, OA

MAY KA-OA-N ang bagong bansag kay Alden Richards na tila nabura na ang taguring Pambansang Bae na ikinapit sa kanya noon.

Kung tawagin kasi ngayon ang Kapuso actor ay Asia’s Box Office King, ayon nga sa kanyang mga publicist.

Ito’y makaraang kumita nang mahigit P800-M ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo,  sinasabing the highest grossing film of all time. Bale pumapangalawa lang ang The Hows of Us nina Kathryn at Daniel Padilla na idinirehe ng iisang director.

Wala namang pag-aalinlangang box office ang Hello, Love Goodbye. And pethaps, it’s but fair to say na Box Office King si Alden.

Pero huwag naman sanang sinakop na ng bansag ang buong Asya gayong hindi natin tiyak na baka may may mga Asian actor na mas kinakabog si Alden.

And we’re just talking about a single film, na hindi pa ipinrodyus ng film arm ng home studio ni Alden. Produced ito ng Star Cinema at taga-ABS-CBN ang leading lady niya.

Maaari pa sa taunang Guillermo Awards tanghalin si Alden bilang Box Office King, but please, ang Pilipinas ay isa lang sa maraming bansa sa Asya.

Kung aktibo man ang ‘Pinas sa paggawa ng mga pelikula, gayundin ang India na may Bollywood. Boom din ang film industry sa Thailand atbp..

Baka kuwestiyonin kami, eh, bakit si Regine Velasquez binansagang Asia’s Songbird? Excuse me, Regine didn’t earn the title overnight.

Hindi katulad ni Alden na nakaisang hit movie lang, na isang malaking tandang pananong pa kung mauulit sa susunod niyang project.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …