Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa effort ni FDCP Chairwoman Liza Diño-Seguerra at ng kanyang team… PPP3 Gabi ng Parangal, makulay at successful (Cuddle Weather at RK Bagatsing inapi ng jury)

NAPAKAGARBO at makulay ang Gabi ng Parangal ng Pista ng Pelikulang Pilipino na ginanap sa One Esplanade, Pasay City nitong Linggo ng gabi. Dumalo ang halos lahat ng casts ng 10 entries sa PPP3 at deserving naman ang majority ng winners specially Ms. Angie Ferro na itinanghal na Best Actress para sa pinagbidahang “Lola Igna” at napiling Best Picture ng Jury ng PPP na pinangu­ngunahan ni Angeli Bayani.

Kaya lang kung anong pagmamahal at concern ni Chairperson Liza sa industriya ng Pelikulang Pinoy ay siya namang pagka-okray ng kanilang jury sa festival na inapi ang napakaganda at makabuluhang pelikula ng Regal Entertainment Incorporated na “Cuddle Weather.”

Makatarungan bang sa 20 awards (special and major awards) na ipinagkaloob nila noong gabing ‘yun, ang bidang aktres ng Cuddle Weather na si Sue Ramirez lang ang nominated sa Best Actress at lantaran nilang inisnab ang hayup umarte sa movie na si RK Bagatsing.

Gusto naming linawin na walang kinalaman dito si Ma’am Liza kundi palpak ang kanilang mga jury. Pinaghirapan buuin ni Direk Rod Marmol at Regal Entertainment ang kanilang entry sa PPP2 pagkatapos ito ang ibabalik sa kanila.

Tulad ni Chairwoman Liza, mahal na mahal ni Mother Lily Monteverde ang industriya, kung tutuusin puwede na silang tumigil sa pagpo-produce ng daughter na si Ma’am Roselle pero hindi ito ginawa ni Mother dahil katuwiran niya, gusto pa rin niyang makatulong sa mga artista, maliliit na tao sa production at sa minamahal niyang entertainment media.

Saka no offense meant, sa ibang kasabayang entries ng Cuddle Weather pero kabog sila ng film na ito ni Sue at RK. Ang husay-husay rito ni Aleck Bovick na hindi rin pinansin ng jury para sa kategoryang Best Supporting Actress.

Gayondin Si John Arcilla, na maraming pinaiyak sa kanyang last scene sa The Panti Sisters, pero tinalo siya ni Gio Alvarez sa I’m Ellenya L sa Best Supporting Actor category.

Sa mga jury ng PPP3, Hoy Gising!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …