Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alma Concepcion, inspirasyon at idol sa negosyo ang BeauteDerm lady boss na si Rhea Tan

LABIS ang pasasalamat ni Alma Concepcion sa lahat ng sumuporta sa matagumpay na pagbubukas ng kanyang sariling Beautederm store last week na tinawag niyang Queen Alma by Beautederm. Ito’y matatagpuan sa G/F unit 2 Colonial residences 59 Xavierville Ave., Loyola Heights, Quezon City.

Saad niya patungkol sa Beautederm CEO at owner na si Ms. Rhea Tan, “Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat kay sis Rei. Kasi, ‘Hindi ka lang kaibigan, ikaw ay mentor, guru, at saka trainor all in one. Ang dami kong natutunan sa iyo and you set a good example on how to be a leader kasi ang dami mong natutulungan kaya idol kita.

“Unang-una, siya ‘yung tipo ng tao na hindi siya parang teacher ‘pag nagtuturo. Matututo ka sa kanya nang ‘di mo napapansin. Gumaganda ang pananaw mo, gumaganda ‘yung point of view mo as a whole. Spiritually, intellectually… ‘di lang siya business, e. Iyong blessings niya, ganoon din karami ‘yung tao na tinutulungan niya, sobrang napakabait. Kaya sabi ko, ‘Lord, I wanna be like her.’ Gusto ko matulungan ‘yung mga tao – unang-una ‘yung pamilya ko, mga taong malalapit sa akin. Ang sarap ng feeling kasi nakapagpapabago ka ng buhay.”

Dagdag ni Alma, “Super, inspiration siya, kasi iba siya. Napaka-unique. Wala pa akong nakilalang tao na katulad niya, siya ‘yung unang tao na nakita ko. kaya nga sinasabi nila talk is cheap, e. ‘Yung sinasabi ng iba kunwari, ‘I am an infulencer,’ hindi niya sinasabi ‘yon, si sis Rei, she influences me a lot without even telling me that she’s an influencer. She is an influencer, changed so many lives. I learned so much from her. So alam n’yo ‘yun? Noong bata tayo, naalala natin ang teachers natin hanggang sa tumanda. Ito yung after college, yung mga taong makikilala mo na guro na talagang kinalibrate ‘yung utak ko. Iyon ‘yung mga taong life-changing.”

Nagpasalamat din ang aktres/beauty queen sa mga kapatid sa BeauteDerm na sumu­su­porta sa kanya like ang Face of Beaute­derm na si Ms. Sylvia Sanchez, Gabby Concepcion, Ken Chan, Ejay Fal­con, She­rilyn Reyes Tan, Ryle Santiago, Pauline Mendoza, Jestoni Alarcon, Jimwell Stevens, Rochell Barrameda, Maricel Morales, Shyr Valdez, Anne Feo, at Alex Castro.

Nang hingan ng mensahe para kay Alma, ito ang ilan sa nabanggit ni Ms. Rhea. “This is actually our 87th store, praise God. My first ambassador was sis Alma, isa siya sa mga kaibigan ko na literally na kahit nasa showbiz siya ay pinansin niya po ‘yung tulad ko noon na kung ano-ano lang ang ibinebenta online. Kasi, I’ve worked the VP Director for Marketing of Savers Appliances. So, sideline ko lang noon ang BeauteDerm.

“Congratulations! This is your first and probably will not be your last. We’ll have a lot more and I’m so proud of you. I love you sis and thank you for staying with me all these years, for your love and loyalty, it really means a lot. I love you and we are here to support you all the way,” masayang saad ni Ms. Rhea.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …