Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim at Jerald, na-awkward habang naglalampungan sa harap ng kamera

AMINADO kapwa ang magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles na na-awkward sila habang kinukunan ang lovescene na ipinagawa sa kanila ni Direk Daryll Yap sa pelikulang bagong handog ng Viva Films, ang Jowable na mapapanood na sa September 25.

Isang sex-comedy ang Jowable kaya hindi maiiwasan ang mga sexy scene.

Ani Jerald, “Kasi, para kaming umarkila ng mga tao para manood sa amin habang magkapatong sa kama. Tapos, habang hinahalik-halikan mo, biglang may ‘o, ibang anggulo.’ So, mas awkward pala siya,” paliwanag ni Jerald.

Five years nang magdyowa sina Kim at Jerald pero kailan lang sila umamin ukol sa kanilang relasyon na nagsimula pala sa stage musicale na Rak of Aegis.

“Noong unang beses ko po siyang nakita, kaka-break ko lang po sa boyfriend ko. Kumbaga, a few months after ng break-up sa boyfriend ko. Ayokong maghanap ng dyowa,” ani Kim ukol sa relasyon nila ni Jerald.

Inamin ng aktres na super crush na niya noon pa si Jerald dahil sa mala-bad boy na aura nito. Kaya habang ginagawa nila ang Rak of Aegis ay  tinutukso sila bilang Kimerald dahil kapangalan nila sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

“Kimerald kami sa ‘Rak of Aegis’ tapos kinikilig sa amin ang mga tao. Eh ‘di sinakyan namin. Hanggang sa nagkatotoo, landi-landi, ganoon,” ani Kim.

Si Jerald ay kakahiwalay lang din sa kanyang girlfriend kaya feeling niya destiny ang pagtatagpo nila ni Kim.

“Alam mo ‘yung sinasakyan mo lang muna kung ano ‘yung mangyayari, ganyan-ganyan. Tapos, nagkahulihan kami ng toyo sa ulo. We started becoming not just as partners pero as best friends,” kuwento pa ni Jerald.

Dahil limang taon nang magkasintahan, natanong ang dalawa kung may balak na ba silang magpakasal. Tugon ni Kim, “Ngayon po kasi, kaming dalawa ni Je, parang we’re just being supportive of each other.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …