Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, ire-rehab muli, pero gusto pa ring mag-taping

MARESPETO naman palang nagpaalam si Baron Geisler na timeout muna siya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Nope, hindi pa ikakasal si Baron sa kanyang psychologist-girlfriend kundi magpapa-rehab.

Tama po ang dinig n’yo. Back to rehabilitation ang mahusay pa namang aktor bilang tinik sa lalamunan ni Coco Martin sa longest-running primetime teleserye.

Kung magpapa-rehab (uli?) si Baron, ibig bang sabihin niyon ay balik-bisyo rin siya as in walwalero na naman siya?

Pero hindi ito ang punchline. Ang siste, willing naman si Baron na mag-taping kung kinakailangan. Paanong siya ang masusunod sa kanyang work schedule kung may ipinatutupad na istriktong proseso once mag-undergo siya ng rehab?

Hindi ba’t may program na sinusunod doon hanggang sa makompleto? Puwede ba namang sa gitna ng kanyang rehab program ay magpapaalam muna si Baron sandali para mag-taping?

At paano kung kailangan ang kanyang character na manatili for a longer period? Eh, ‘di nasira na tuloy ang rehab program, ‘di ba?

Gaano ba talaga kalala ang alcoholism ni Baron na hindi niya kayang mabuhay nang ‘di nasasayaran ng nakakalasing na espiritu? Ang buong akala pa naman ng publiko’y malaki na ang kanyang ipinagbago.

For the worse pa pala.

Samantala, hindi ba dapat ay nagsilbing inspirasyon kay Baron ang kanyang nobyang eksperto pa mandin sa human behavior?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …