Friday , November 15 2024

Illegal online gambling ni “Richard Pale-Pale”

IPINAGBAWAL ni Prime Minister Hun Sen sa bansang Cambodia ang online gambling na pina­tatakbo ng mga Intsik.

Dahil diyan, 6,000 Chinese nationals ang lumalayas kada araw at umabot na sa 120,000 ang nagsilayas sa Cam­bodia mula nang ipatupad ang pagbabawal sa online gambling, ayon sa Interior Ministry General Department of Immigra­tion ng nabanggit na bansa.

Sinabi ni Ath Bony, tagapagsalita ng nabanggit na tanggapan:

“While we don’t know the exact reason for the Chinese leaving, it might be because of the ban on online gambling, which has forced those who relied on the gaming to return home or move to other countries.”

Ipinatilgil noong nakaraang August 18 ang online gambling bunsod ng lumalagong krimen na kadalasa’y ginagamit ng mga dayuhang Intsik sa extortion.

Katulad na katulad din dito sa atin na kalimitang nababalita ang pagdukot sa mga Intsik ng kanilang mga kalahi.

Inaasahan ang kusang pagsasara ng mga online gambling sa Cambodia bago matapos ang 2019 kasunod ng pagpapatigil ng kanilang gobyerno sa pagbibigay ng lisensiya, pati sa mga katulad na negosyo.

Sinuportahan ng Beijing ang hakbang ng Cambodia at nangakong tutulong sa malalim na pagpapatupad ng batas laban sa mga pasugalan na pinatatakbo ng mga Intsik sa nasabing bansa.

Matatandaan, noong nakaraang buwan ay nanawagan ang gobyerno ng China sa ating pamahalaan na ipagbawal dito ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na nagpapatakbo ng mga online gambling.

Pero ang ipinagtataka natin ay kung bakit ang administrasyon pa ang lumalabas na kontra sa pahayag ng China at hinahayaang dagsain tayo ng mga Intsik at online gambling sa bansa.

Samantala hinigpitan ng Chinese gov’t ang sariling mamamayan nila mula sa Mainland China na makapagsugal sa mga casino sa Macau na karaniwang ginagamit sa money laundering.

Sa bansang China mismo ay mahigpit na ipinagbabawal ang mga pasugalan kaya’t ang sinomang mamamayan nila ang matutunton na nagsusugal sa Macau ay agad iniimbestigahan kung saan kinukuha ang ipinangsusugal at inaalam kung nagbabayad ng tamang buwis sa kanilang pamahalaan.

Dito sa atin ay sangkatutak ang POGO at ayon sa mga nasagap nating impormasyon, karamihan ay ilegal at hindi lisensiyado.

Napag-alaman natin na ang mga ilegal na online gambling ay kumukuha ng mga empleyadong Intsik na ilegal din ang pagtatrabaho sa bansa.

Ayon sa mga impormante, pawang permit sa call center ang gamit sa online gambling operation ng POGO.

Kahit itanong n’yo pa kay “Richard Pale-Pale” na nagpapatakbo rin ng illegal online gambling sa Macapagal Blvd.

Tama ba, retired Bureau of Immigration (BI) agent “Rico Mambo-bukol” na facilitator ng pagpasok at overstaying na Intsik from China?

DZRJ MAS PINALAKAS: RADYO NA, TV PA!

SIMULA ngayong araw ang test broadcast sa RJTV ng mga programang napapakinggan sa makasaysayang himpilan ng DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM).

Ang mga anchor sa likod ng mga sinusundang programa sa DZRJ-Radyo Bandido ay sabayan na rin mapapanood nang live sa RJTV para sa mas malawak na paghahatid ng mga maka­buluhang impormasyon sa buong bansa.

Ang RJTV ay napapanood nationwide sa iba’t ibang channel at pasok sa lahat ng cable providers saan man sa bansa.

Ang RJTV ay Free TV channel na napa­panood ng mga hindi cable subscribers at sa TV plus ay mayroong 4 na channel.

Nananatili po sa mga dating araw at oras ang mga tampok na programa ng DZRJ Radyo Bandido na masusubaybayan din sa buong mundo via live streaming sa Facebook at You Tube.

Ang programang ‘Lapid Fire’ ng inyong lingkod ay sabayan nang mapapakinggan sa DZRJ-Radyo Bandido at mapapanood sa RJTV, 10:00 pm – 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes, nationwide.

Maraming salamat po at mabuhay!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *