Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Condo ni Ara, nasasalaula

MAY pagkakapareho si Ara Mina at ang dating sexy star na si Katrina Paula: mahilig silang magbigay ng foster homes.

Ewan lang namin kung hanggang ngayon pero sa napakatagal na panahon ay si Kat ang nagbabayad ng paupahang tinitirhan ng kasabayan niya noon na si Sabrina M. Maging pagtulong sa pagtaguyod sa mga anak nito’y pinasan na rin ni Kat.

Wala itong iniba sa kagandahang-loob ni Ara kay Deborah Sun. Ang dapat sana’y extra income na pumapasok kay Ara mula sa condo unit niya sa New York Mansion ay sa kawanggawa napupunta sa libre nitong pagpapatira kay Deborah.

At kapag sinusuwerte, may groceries pang natatanggap si Deborah mula sa kanyang “landlady.”

Pero ang higit na pagkakatulad nina Ara and Katrina ay ang pagkakadikit nila sa mga kaibigan na ang pamumuhay ay nalihis ng landas.

Kamakailan ay natimbog si Deborah (kasama ang anak na si Angela) sa mismong condo unit na pag-aari ni Ara. For a time ay nakulong din si Sabrina M also on alleged drug charges.

Kahit mga nagmamalasakit na kaibigan, Ara and Katrina can only do so much. Ang sa kanila’y nakatulong na sila, at kung anuman ang mga pinaggagagawa ng mga ito sa kanilang buhay ay wala na silang pakialam.

The least that Ara and Katrina can do is to give Deborah and Sabrina M, respectively, pieces of sound advice para ihinto na rin ng mga ito ang bagay na siyang humatak sa kanila paibaba.

Ito lang ang moral responsibility nila expected of friends other than their financial burden na kung tutuusi’y puwedeng-puwede nilang talikuran.

Pero paniniwala namin ay may accountability somewhere sa kabila ng acts of charity na ito as though sina Deborah at Sabrina M lang ang dapat problemahin nina Ara at Katrina.

In a sense—legal or otherwise—mas dapat ianalisa lalong-lalo na ni Ara na nakakasama pa ang libreng pagpapatira niya kay Deborah sa kanyang condo unit na ginagawa umanong drug den o pugad ng “pagbabato.”

Whether knowingly or not, kung hihingin ang aming legal insights ay katumbas ‘yon ng abetting or coddling a felon o pagkanlong sa isang outlaw.

Sa kabila ng payong ibenta na lang ni Ara ang kanyang ‘di naman niya natitirhang unit, mas pinili pa niyang magbigay ng masisilungan for the homeless.

Bagama’t charity is a virtue, aminin nating hindi lahat ng magaganda’t makataong gawain ay mayroon ding kaaya-ayang implikasyon.

Huwag naman sanang mangyari, pero baka sumabit pa si Ara kalaunan lalo’t sinasalaula pala ang kanyang tirahan, na nagiging tirahan (accent on the last syllable as in pot session).

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …