Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara Altamira, happy sa career bilang aktres/model

Patuloy ang magandang takbo ng showbiz career ni Ara Altamira. Mula sa kanyang pag­titiyaga at pagsusumikap para sa kanyang mga pangarap sa buhay, unti-unting itong natutupad na ngayon.

Mula nang nagbalik siya sa showbiz after ng almost one year stint sa Indonesia bilang model/aktres, kabilang sa mga nagawa niyang projects sa ABS CBN ay Pusong Ligaw, Blood Sisters, MMKAraw GabiKadenang GintoIpaglaban MoNang Ngumiti ang Langit, at Generals Daughter. Recently, napanood si Ara sa It’s Showtime’s KapareWho surprise, model edition,

Sa GMA-7 naman, nakalabas siya sa My Special TatayTadhanaWagas at Daddy’s Gurl. Sa Vic Sotto starrer na Daddy’s Gurl na napapanood every Saturday, 7pm, siya si Chloe na officemate ni Maine Mendoza. Ito ang isa sa biggest break niya sa TV dahil mula simula ay parte na siya ng naturang sitcom.

Ang ilan naman sa pelikulang napanood si Ara ay sa Ang Dalawang Misis ReyesPapa Pogie, at Stranded bilang isa sa girlfriend ni Arjo Atayde.

Sa ngayon ay abala siya sa kanyang acting at modelling career, pero aminado ang 26-year-old na graduate ng BS Tourism Management sa De La Salle University-Dasmariñas na ang priority niya talaga ay ang pagiging aktres.

“Happy po ako sa career ko, pero still hoping na sana tuloy-tuloy and sana mag-level-up. Although hindi natupad, wish ko kasi talaga makapasok sa PBB. I auditioned, umabot sa last stage ng screening, pero hindi na umabot sa natawagan ng ABS CBN. Kasi four times na ako nag-audition since batch pa lang nina Kim Chiu. Not lucky enough, or not my time pa siguro.

“Passion ko po talaga ang acting. Matagal ko nang pinangarap magkaroon ng break dito sa showbiz sa ‘Pinas and I’m still working on it,” sambit ni Ara.

Saad pa niya, “Streaming na sa iWant ang Mga Mata Sa Dilim starring Jessy Mendiola, Derek Ramsay, and Joko Diaz, directed by Enzo Williams. Nandoon po ako as Jane, sana po suportahan ninyo. Pangalawang project ko na ‘yan with iWant, ‘yung una is Hush: Swingers episode na puwede pa rin mapanood sa iWant app.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …