Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sue Ramirez, eksperto sa sex sa Cuddle Weather

ISANG mahusay na pokpok ang mapapanood kay Sue Ramirez sa pelikulang Cuddle Weather. Bida rin dito si RK Bagatsing, na siyang partner in crime ni Sue.

Kakaiba at napakadaring ng role rito ng Kapamilya aktres sa pelikulang handog ng Regal Entertainment Inc., and Project 8 Cor. San Joaquin. Dito’y gumaganap sina Sue at RK bilang pokpok o sex workers na pinagtagpo ng tadhana.

Binibigyan niya ng katuparan ang mga sexual fan­tasy ng mga kala­lakihang handang magbayad ng ma­laking halaga para sa sa kanilang sex­ual satis­fac­tion. Gayon­man, pangarap din ni­yang magkaroon ng normal at ma­payapang buhay someday.

“I am a sex worker here, kasa­ma ko rito si RK Bagatsing,” saad ni Sue.

Dagdag ng aktres, “Ako ang naging mentor dito ni RK, pero hindi iyong akto (sa sex) ang itinuro ko sa kanya, kundi iyong mga diskarte sa pagpopokpok.”

Noong una ay may halong kaba siyang naramdaman sa maseselang eksena nila ni RK, pero dahil gentleman ang aktor kaya naging komportable raw siya rito. “Si RK is super gentleman. Hindi ako nakaramdam ng ilang. I feel safe around RK, so that’s a great partnership kapag nagtatrabaho kayo. You have to be really comfortable. You have to feel safe with each other. Mayroon nga si Ram, his character, na shower scenes tapos pinapanood siya ng character ko.”

Ayon sa aktres, gusto niyang i-challenge ang sarili kaya tinanggap ang proyekto. “I wanted to challenge myself. I wanted to take on roles na I’m afraid to take on.”

May natutuhan din daw siya sa pagganap sa role na pokpok dito. ”Hindi lang siya tungkol sa mga pokpok, e. Kuwento nating lahat ito, na whatever you do in life, karapat-dapat kang mahalin, at karapat-dapat kang magmahal,” sambit pa niya.

Ang Cuddle Weather ay sa direksiyon ni Rod Marmol at entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap mula Sept. 13-19. Tampok din sa pelikula sina Niño Muhlach, Mark Anthony Fernandez, at Aleck Bovick.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …